Kabanata 19

69 19 6
                                    

What You Mean To Me

Pinatay ko ang alarm ng aking phone nang tumunog ito nang malakas.

Bumangon ako at pagod na pagod na tumayo dahil kahapon ko lang tuluyang natapos ang pag-aayos ng mga gamit ko sa bagong tinutuluyan ko.

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng condo na ipinahiram saakin ni Papa.

Wala ito sa plano ko. Hindi ko rin ito hiningi dahil una palang ay gusto kong ako nalang ang maghanap ng tutuluyan ko pero nag matigas siya at sinabing babawiin mula sa unibersidad ang mga dokumentong naipasa ko na. Alam kong kaya niya iyong gawin kaya wala akong nagawa kungdi ang tanggapin ito lalo na noong sumali si Tita Ava sa usapan.

Ang sabi niya saakin ay mas mabuting nasa condo raw ako na alam ni Papa para hindi na ako makadagdag sa alalahanin nila. Mabilis na umalma roon si Papa pero sa tingin ko ay iyon nga ang dahilan.

Maybe, he just doesn't want to worry too much about my well-being kaya mas minabuti niyang ilagay ako kung saan siya panatag para mabawasan na ang iniisip niya. Isa pa, hindi rin ata kaya ng pride niya na sa isang maliit na dorm ako titira. He is a Flores, both in name and blood. They're known as wealthy, strong, and the one who reigns the provincial boards and councils so having me in that small space will cause them an embarrassment.

Mabilis akong lumabas sa condo matapos kong makapag-ayos. Malapit lang ang distansya nito sa university na papasukan ko kaya hindi naman ako nag-aalala na ma-late masyado.

Tahimik akong naglalakad habang nakasalpak sa magbilang tenga ko ang headset nang may humampas sa balikat ko.

Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin nang makilala ko kung sino siya.

Tinuro niya ang tenga niya na para bang sinasabi na alisin ko ito sa tenga ko. Umirap muna ako bago siya sinunod.

"Have you seen our other batchmates here?" Tanong niya habang nililibot ang mga mata niya. "From the first day we've been here... I think I've only seen two of them! Magkaiba pang colleges! 'Yong isa ay sa College of Sciences tapos 'yong isa naman ay sa College of Fisheries! Nagkalat ang mga batchmates natin dito! May isa pa pala akong nakita..." Umirap siya na para bang iritang-irita sa taong nakita niya. "Ilang beses ko pang nadaanan! Hay, 'wag na nga nating pag-usapan!"

Napailing nalang ako sakanya dahil siya naman ang nagbukas ng usapan pero siya itong magagalit sa huli!

Nagpaalam kami sa isa't isa nang tuluyan kaming makapasok sa loob dahil magkaibang direksyon ang department namin.

Habang tahimik akong naglalakad sa hallway, nakatingin ako sa kaliwang gilid ko para tignan ang mga taong kapapasok lang at nasa grounds pa.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng duffle bag na dala-dala ko nang makita ang taong nakatingin din sa direksyon ko.

Biglang gumalaw ang mga labi niya pero hindi ko marinig at hindi ko matanaw nang maayos dahil malayo siya.

Inilabas niya ang kanyang cellphone at nagtipa roon. Nakakunot ko siyang tinignan hanggang sa bigla akong nakatanggap ng text message matapos ng ilang segundo.

'Surprised? Hindi sinabi ni Shanti sa'yo? Let's meet up later.'

Napangiti ako at muli siyang tinanaw. Tinuro niya ang sariling phone na para bang sinasabi niyang tignan ko ito.

I just nodded but then I realized that he might not see it because I am already on the third floor so I gave him a thumbs up instead.

Nang makita niya ito, nakita ko ang pagtango niya at pagturo niya sa building na parehas sa pinapasukan palagi ni Shanti!

WE WEREN'T SAYINGWhere stories live. Discover now