Kabanata 14

69 19 1
                                    

Different from What I Know

Tumaas ang kilay ko nang huminto ako sa tapat ng gate ng mga Flores dahil napansin ko ang panlalaki ng mga mata ng guards na naroon.

Nakita ko pa ang paghugot nila nang malalim na hininga nang matanaw ako.

Mabilis nila akong pinagbuksan ng gate na nakapagtataka. I eyed them suspiciously before entering.

Nakita ko ang isa sa pinakabatang kasambahay na nagliwanag ang mga mata nang makita ako. Para siyang nabunutan ng tinik.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko nang balingan ko siya dahil hinintay niya akong makarating sa tapat niya.

My eyes wandered around the area, it's not like there's something suspicious but it feels odd in here.

Nakangiti siyang umiling habang panaka-nakang pinunsan ang sentido niyang may iilang butil ng pawis.

"Wala naman po. Saan po kayo galing?" Pang-uusisa niya.

Nilingon ko siya, puno ng pagdududa. Hindi naman sila nagtatanong dati kung ginagabi ako dahil mabilis nilang iniisip na nasa mga Estrella lang ako kaya naman sa gabing ito, hindi ko maiwasang magtaka sa ikinikilos niya. Hindi naman siya matanong dati, lagi lang nakatanaw mula sa malayo.

"This doesn't sound like anyone of you. You are acting weird. Hindi lang ikaw, ha? Baka ma-offend kita. The same sentiment with the guards." Hindi ko napagilan ang paglabas ng totoong iniisip dahil sa pagtatanong niya at sa kilos ng mga guard kanina.

She was about to open her mouth to answer me nang mabitin 'yon sa ere dahil sa biglaang pagsasalita ng isang lalaki sa harapan ko na hindi ko man lang napansin na natapatan ko na dahil naglalakad lang ako patungo sa loob ng bahay.

"Masyado ng gabi, Kate. Saan ka nanggaling?" Nakakunot ang noo ni Papa na sinalubong ako sa bukana ng entrance door.

Anong problema niya at nadadamay ako? Anong problema ng mga tao rito at ako ang napapansin ngayon?

"I told you," Narinig ko ang masungit na boses ng asawa ni Papa. Mabilis niya lang akong tinapunan ng tingin bago tumalikod at tuluyang pumasok sa loob. "Such a waste of time."

Bumaling nalang ako kay Papa na nakatingin sa suot-suot kong backpack kaya naman napatingin din ako roon. Nang makita kong wala namang problema at hindi nakabukas, nilingon ko muli siya pero nagulat ako nang nakatayo na si Javier at Gael sa magkabilang gilid niya.

Javier was frowning at me while Gael was only looking at me with a blank face.

Kung hindi siguro tumikhim nang malakas si Papa, hindi matatapos ang pagtititigan namin dito.

"Pumasok na tayo. Handa na ang pagkain." Tumalikod na si Papa at naunang pumasok. Sumunod naman si Javier na sinulyapan ako ng isa pang beses bago tuluyang maglakad palayo saamin.

"Who were you out with?" Biglang tanong ni Gael. Nakita ko pa ang rumehistrong gulat sa mukha ng kasambahay na nasa gilid namin at mukhang interesadong-interesado sa pinag-uusapan namin dahil hanggang ngayo'y hindi pa rin siya umaalis. "Van?" Dugtong niya na nakaagaw ng buong atensyon ko.

"Yes. May problema ba?" Iritado kong tanong sakanya bago umambang tutuloy na sa loob pero natigilan ako nang hilain niya ang braso ko dahilan para bumalik ako sa pwesto ko kanina.

WE WEREN'T SAYINGWhere stories live. Discover now