Kabanata 28

77 11 0
                                    

At Worst, I Still Have You

"Mama..." A small voice called me while I am washing the dishes kaya naman ay sumulyap ako sakanya na nakatingin pa rin sa iba't ibang larawan na nasa harapan niya.

"What is it?" Tanong ko nang muli akong tumalikod sakanya at binanlawan ng tubig ang natitirang mga hugasin.

Inabot ko ang pamunas para saaking kamay. Nang matapos ako roon, nakakunot akong naglakad patungo sa pwesto niya dahil nakapagtataka na bigla nalang siyang tumahimik.

Nakita kong nakatingin siya sa maliit na album na nakasingit sa bag ko noon. I didn't know that it was on my bag. Nagulat ako nang makarating ako sa una kong tinuluyan, nakita ko ang album na niregalo ni Shanti saakin noong nasa huli kaming taon ng kolehiyo.

I went to my son and sat on his side. Sinulyapan ko ang tinitignan niya at mabilis na kumirot ang puso ko nang mapagtanto kung ano ang litratong buong-puso niyang pinagtutuunan ng atensyon.

"Who do I look like Mama?" Biglang tanong niya saakin habang nakatuon pa rin ang atensyon sa litratong ilang taon niya ng pinakatitigan.

Ngumuso ako at marahang hinaplos ang buhok niya. "Your father... you look like your father." Banggit ko kahit ilang beses ko na itong nasagot simula ng magkaisip siya.

Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng mga labi niya pero mabilis na ngumuso nang makitang nakatitig lang ako sakanya.

"But I also look like you, right, Mama?"

I tilted my head. Napaisip sa tanong niya. The only things he inherited from me are my eye and hair color... and also my skin tone, the rest... I can say confidently that he looks the same as his father.

"Somehow... yes..." Mahina kong saad at tinitigan siya habang seryoso siya sa tinitignang larawan.

"Mama... we still can't see Papa?" Mahinang bulong niya na parang natatakot siyang itanong iyon saakin.

Malalim akong bumuntong-hininga at hinaplos ang malambot niyang buhok.

"Kagaya ng sinabi ko sayo noon, it will be difficult for us to meet him..." Dahan-dahan kong sabi para maintindihan niya kahit alam kong kahit anong paliwanag ko sakanya'y hindi siya makikinig.

"Is it because he already has another... family so he can't meet with us? Even just for a few minutes?" He said in a small tone.

Napatingin ako sakanya nang mapagtanto na natatandaan niya pala ang sinasabi ko noong mas bata pa siya. I thought he will forget it eventually... I thought he'll be satisfied that he has me... but there is a hole in his heart that I can't cover alone.

Nang lumingon siya saakin at tinignan ako sa aking mga mata, nakita ko ang kalungkutan mula roon.

"Let's talk about this next time..." Pagbabago ko ng usapan pero nang makita kong umiling siya, doon ko napagtanto na kaya na niyang umintindi ng mga bagay na pilit kong hindi pinapaalam sakanya.

"You always say that, Mama..." Malungkot niyang sabi at ngumuso pagkatapos.

"You're still young—"

"But I can understand you, Mama... I'll understand whatever you'll say." Pamimilit niya pa at mukhang tuluyan ng nawala ang atensyon sa mga litratong tinitignan niya kanina.

Mabigat akong bumuntong-hininga at inabot ang buhok niya para guluhin 'yon.

"Okay, what do you want to know?"

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Mukhang hindi inaasahang papayag ako sa pamimilit niya.

I was expecting him to ask about his father's current life but he didn't.

WE WEREN'T SAYINGWhere stories live. Discover now