Kabanata 34

80 11 11
                                    

Found

Malakas ang tibok ng puso ko habang tinatahak ang daan pauwi.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Parang biglang nagkabuhol-buhol ang utak ko.

Nang tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay, mabilis kong tinakbo ang kwarto at nagsimulang mag-ayos ng gamit. Napatingin ako sa orasan at nakitang nakatigil pa rin iyon.

Malapit na bang umuwi si Xav? O dapat ko na siyang puntahan sa eskwelahan niya? Tapos na ba ang klase niya?

Paano ko ipapaliwanag sakanya ito?

Mabilis at marahas kong pinasok ang mga gamit namin sa loob ng bag nang matauhan ako dahil sa biglang pagkakalaglag ng maliit na album mula sa cabinet.

Napaawang ang labi ko nang lumuhod ako at nakita ang litrato namin ni Van doon. Mariin kong kinagat ang labi ko at niyakap ang maliit na album na ni-regalo ni Shanti saakin.

Naramdaman ko ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko kaya bago pa man ako tuluyang manghina, nilayo ko ito mula saaking pagkakayakap at tinignan ang litrato ulit.

I traced Van's face through the picture and smiled bitterly. Isa ito sa mga paborito kong litrato na nakapaloob dito. The pictures I initially had was taken by Shanti. She gifted me the album with pictures in it. And, this picture was captured candidly. Hindi ko nga alam na mayroon nito bago ko nakita sa loob ng album.

In the picture, I was reviewing for an upcoming exam seriously while Van's sitting beside me. He was not just sitting but staring at me while I was focused on reading the books I had.

Sa totoo lang, when I first saw the picture, I thought there was nothing special, but when I looked at it again and again, I think I can understand why Shanti said she believed that Van had feelings for me back then.

Kasi noong tinignan ko ito habang punong-puno ng pangamba sa pagtakas noon, it gave me a sense of relief. Then, in the following instances, it became a source of comfort. I never thought that someone could look at me that way. I never thought that I would be looked at adoringly. So, I sometimes wonder... if I was blinded by love before or I wasn't because it is the truth.

Pero wala na akong panahon na isipin ang mga ganoong bagay.

I need to plan everything from here. Hindi ko alam kung saan kami pupunta lalo na'y dapat kaming lumisan sa lugar na ito sa lalong madaling panahon.

I kept on thinking about the places we could go to. Hindi ko alam kung saan ako magiging pantag dahil sa totoo lang, ito na ang pinakamalayo at pinakaliblib na lugar na alam kong magiging ligtas kami.

Or so I thought.

Hindi ko inakala na makalipas ang ilang taon, may makakatunton pa rin saakin.

Siguro, sa likod ng isipan ko, matagal ko ng tinanggap na wala na ako sa utak ng iba dahil matagal ng naanunsyo ang pagkamatay ko pero hindi pala. There will still be someone who'll find me, kahit pa siguro sa kabilang buhay na iyon.

I am sure that the man I saw earlier was the man who kept on following me for years back then. I can remember that smile even if I die. I can remember how he smirked at me as he lit up a fire in the mansion. I am sure that it is him. There is no doubt about that. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon dahil paulit-ulit akong minumulto ng kahapong iyon.

Bakit pa siya bumalik? Anong kailangan niya saakin? Bakit ngayon pa kung kailan payapa at malaya na dapat ako? Bakit ngayon pa... matapos kong makatikim ng kalayaan?

Bakit hindi ako pinagbibigyan na makamit ang nararapat saakin? My one and only wish was to share a comfortable and unrestricted life with my son.

Kaya ako narito. Kaya nga nanatili ako sa lugar na ito kahit takot na takot ako noong una na wala akong kakilala.

WE WEREN'T SAYINGWhere stories live. Discover now