Kabanata 16

71 19 4
                                    

Paglayo, Pagtalikod, Pagtakbo

"This is a public space. I wonder if both of you knew that?" Sabay-sabay kaming napalingon kay Gael na bigla nalang nagsalita. Iritado ang mukha at mukhang nasira ang buong araw niya dahil sa nakita.

I released my clenched fist as I realized that I do not think I have the right position to confront his ex-girlfriend. Muntik ko ng gawin ang isang bagay na ilang taon kong pinigilan. If Gael didn't interrupt, I think I would have do so.

I exhaled deeply as I tried to call back all my sanity. Natigil lang ako sa pagpapakalma sa sarili nang makitang humiwalay ng kaunti si Chantria sa lalaking kasama niya habang nakalagay pa rin ang mga palad sa dibdib nito.

She stared at me kaya naman ay hindi ako nagpatalo at tinitigan ko rin siya pabalik. Nakita ko ang pag-angat ng labi niya at magsasalita pa sana siya nang bigla siyang hinalikan sa leeg ng kasama niya.

Mabilis kong iniwas ang tingin sakanila at narinig ko nalang ang biglaang pagmumura ng lalaki nang pinindot ni Gael ang button ng elevator na paniguradong mag-aakyat sakanila sa itaas na palapag.

I turned my whole attention to Gael in disbelief who just shrugged his shoulders as if he did not show those two a rude behavior.

Nakakunot pa rin ang noo niya nang tinuro niya ang kabilang elevator na kabubukas lang at walang laman kahit isang tao man lang.

"Kaibigan mo ba 'yon?" Baling niya saakin matapos pindutin ang button ng floor namin.
He glared at me suddenly. Hindi ko nga lang alam kung bakit pero sa mukha niyang iyan, he looks like he is accusing me.

"No, but I know her." Sagot ko sakanya.

Mabilis namang tumaas ang kilay niya at sumandal sa wall panel habang nakatingin pa rin saakin. He tilted his head.

"How much do you know her?" Pag-uusisa niya. "Iyon ang sinundan ni Van Villanueva kanina 'di ba?"

My breathing hitched as I heard him mentioning his name. Lumitaw ang mapang-asar na ngiti sa mukha niya bago pumikit at parang baliw na tumawa-tawa.

I glared at him so much as if there would be a murder scene later on. Kung hindi lang tumunog at nagbukas ang pintuan ng elevator na sinasakyan namin, baka nga nag-aaway na kami ngayon.

Nauna akong lumabas dahil ayaw kong makita ang mukha niya ngayon. Alam na alam talaga ni Gael kung paano ako inisin. Nawala tuloy ang kung ano-anong pag-iisip ko tungkol sa nangyari kaninang tanghali dahil sa inis dito kay Gael.

Nakabusangot akong nahiga sa kama dahil hindi pa rin nawawala ang mapang-asar niyang mukha. Iritado ko siyang tinalikuran at nagtaklob ng comforter para hindi ko na siya mapansin.

Pinatay ko na ang ilaw ng lamp sa gilid ko dahil hindi ako nakakatulog ng may ilaw but the guy lying on the other bed is still wide awake with his lamp turned on!

Mabilis kong tinanggal ang comforter sa ulunan ko at umupo nang marahas sa kama. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya dahil sa agaran kong pagbangon.

His lips pursed in surprise. "What? Anong problema mo?" Kunot-noo niyang tanong at tinanggal ang headset sa tenga niya. Marahan niyang ibinaba ang hawak-hawak na phone at nilapag ito sa gilid niya. Bago niya tuluyang maalis sa paningin ko iyon, nakita kong naglalaro siya ng isang mobile game.

WE WEREN'T SAYINGWhere stories live. Discover now