Kabanata 2

138 38 57
                                    

Pagyaya

"Not participating?" Nakataas ang kilay ng adviser namin saakin habang nililibot niya ang mata saaming classroom.

There is a science fest today but I am staying here inside our classroom. Ngumisi ako at umiling.

"I am in charged of watching over our bags, Ma'am." Pagdadahilan ko at nilahad pa ang mga bags ng mga kaklase ko.

Tumaas ang kilay niya pero hindi na nagsalita at nagpatuloy sa iba pang classroom.

Should I have volunteered to stand in for someone at our booth? Kaso baka wala namang pumunta lalo kung naroon ako. Maybe, this decision was for the best.

I tapped my fingers on my desk as I hum a familiar song. Nakangiti ko iyong ginagawa sa gitna ng katahimikan sa loob ng classroom. Tiningala ko ang fan sa ceiling para tignan kung umiikot pa ba iyon. Gumagana pa naman. Next, I watched the board as if someone would magically write on it. If there is, I would literally dash away from here.

Ang boring naman dito.

Napasulyap ako sa upuang nasa harap ko at nakita ang bag ni Van. Hindi ko naman papakialaman pero ang gulo talaga.

Aabutin ko palang sana nang magbukas ang unang pintuan sa harapan.

"Shit! You scared me!" Nakahawak sa puso si Fil, ang seatmate ko. "Bakit ang dilim dito?" Pinindot niya ang switch ng ilaw kaya nagbukas ito.

Napangiwi ako nang magliwanag sa classroom. I glared at him but he just laughed at me.

"What? It's as if you're summoning spirits here! By the way, what are you even doing here?"

Lumapit siya sa tabi ko at may kinuha sa kanyang bag. Naglabas siya ng bimpo at bottled water mula roon. Quiz bee ang sinalihan niya pero bakit parang pang-marathon ang tinakbuhan niya?

"Oh, anong tinitingin-tingin mo riyan? Gwapo ba?" He even posed in front of me. I glared at him again pero natawa nalang din kinalaunan.

"Whatever you want to believe, Filomeno. There's only one handsome man for me—"

"I know, I know. No need to say it, babe. Obvious naman but he doesn't like it when someone touches his things so kung ano mang binabalak mo, tigilan mo na."

Sinulyapan niya ang bag ni Van na inaabot ko kanina.

Umiling pa siya bago tuluyang nagpaalam saakin.

Hindi man lang pinatay ang ilaw! Dagdag lang sa init!

I rolled my eyes and stood up to arrange the unaligned chairs. Kinuha ko na rin ang dustpan at walis dahil naaalibadbaran ako sa mga scratch papers na nakakalat sa sahig! Mas lalo pang nag-init ang ulo ko nang masulyapan ang basurahan na punong-puno na kahit hindi pa man natatapos ang araw namin dito.

Tahimik kong winawalisan ang sahig sa harap ng blackboard nang masulyapan ang mga notebook na ibinalik kaninang umaga na hanggang ngayo'y hindi pa rin nababalik dahil abala sa paghahanda para sa SciFest.

My upper lip lifted when I saw Van's notebook. Luminga-linga ako para alamin kung may tao kahit alam ko namang wala pero baka kasi may dumating bigla. Dapat prepared ako syempre.

WE WEREN'T SAYINGWhere stories live. Discover now