Kabanata 15

69 19 0
                                    

The Things I Do For You/The Things You Do For Her

Kalalabas ko lang ng kwarto at inaayos ko pa ang buhok ko nang bumungad si Papa at Tita Ava na nakaupo na sa sofa habang sina Javier at Gael ay umiinom ng kape sa countertop.

"Anong nangyari sa tuhod mo?" Tanong kaagad ni Papa nang makita ako at mariing nakatitig sa tuhod kong naka-gauze pa rin.

Hindi ako sumagot at kumuha nalang ng tubig na maiinom.

Ilang beses kong tinignan ang sarili ko kanina sa salamin dahil natakot akong namamaga ang mga mata ko, mabuti nalang at hindi ako umiyak sa pagtulog kanina dahil alam kong magiging dilat na isda ako kung nagkataon.

"Let's go. We can't be late. Javier... why are you even drinking coffee?"

Tamad na sumandal ang magkapatid sa sofa at nagkatinginan bago nilingon ang kanilang mga magulang.

"So I can stay up until the dawn..." He sipped his coffee until its last drop and stood up as he lead the way outside.

Mabilis na sumunod sakanya ang nakababatang kapatid niya na tinapunan ako ng tingin bago tuluyang sumunod kay Javier.

I sighed heavily as I followed the two of them.

Nakasimangot silang dalawa na pumasok sa elevator. Tumaas ang kilay ko dahil sa pagtataka sa ekspresyon ng mga mukha nila.

When I stepped inside the elevator, they moved away from each other kaya naman ay nakatayo ako sa magkabilang gilid nila.

It only took a few seconds before Tita Ava and Father joined us.

Nang makarating kami sa ground floor, sabay-sabay kaming naglakad patungo sa ibang mga Flores na iba't ibang designer items ang mga suot.

"Where did you buy this dress?" Biglang tanong saakin ni Lucy na hindi ko man lang namalayan ang presensya sa tabi ko.

She looked at me curiously. My lips lifted, not really knowing why she talked to me.

"I am not sure. It was given to me as a gift." I said nonchalantly.

She crossed her arms and nodded. "By your boyfriend?"

Napangisi ako at pinigilan ang pagtawa.

Wala akong boyfriend. Mukha bang meron at iyon ang naisip niya?

"No, from my friend." I answered proudly.

"Shanti Estrella?"

My eyes widened when Lucy mentioned her.

Mukhang alam ata ng lahat na si Shanti lang ang kayang magtiis saakin, ah?

"Yes... from Shanti."

Sandali siyang natahimik bago tumango at nagpaalam saakin na mauuna na sa labas kung saan naka-set up ang mga lamesa kung saan magsisimula ang party.

Nang matapos makipagusap nina Tita Ava sa iilang pamilyang imbitado rito, nagpatuloy kami sa pagpunta sa may tabing-dagat kung saan nag-aagaw na ang iba't ibang kulay ng kalangitan.

Tahimik lang akong sumusunod nang maramdaman kong may nakatingin saakin. Tumaas ang balahibo ko nang makaramdam ng kilabot dahil sa tingin ko ay may kanina pa nakamasid saakin.

WE WEREN'T SAYINGWhere stories live. Discover now