Kabanata 30

78 11 0
                                    

Litrato

Sinukbit ko saaking leeg ang isang strap bago mapatingin sa anak na hindi magkamayaw sa gilid ko.

Sabado ngayon at walang pasok si Xav kaya naman napagpasyahan kong isama siya sa ilog para naman makapagtampisaw siya roon kahit saglit lang.

Mababaw lang naman ang tubig doon at nandito rin naman ako para bantayan siya kaya sigurado akong magiging ayos lang siya roon.

I looked at him who's excitedly looking up to me as I prepared the rattan basket where I'll place the small clams I will find in the river.

Yumuko ako para pantayan ang mga mata niya.

Kahit ilang beses ko itong titigan... kahit alam kong magkapareho lang naman ang kulay ng mga mata namin, his eyes are the purest form of happiness I see. It reflected all his emotions and I am thankful to know that he is feeling that way. Wala na siguro akong mahihiling pang iba kungdi ang maging masaya siya.

"It's been a while since I went there, Mama! Excited na po ako!" He exclaimed, giggling afterward.

Hinawakan ko ang kamay niya at lumabas na ng bahay. Magkahawak-kamay naming tinungo ang daan patungo sa ilog.

Madami kaming nadaanan na palayan at maliliit na gubat na ilang beses na tinuro ni Xav. He is smiling so wide that I think I deprived him too much from going out.

Hindi kasi kami madalas lumabas. Hindi ko rin siya kayang pabayaan na pagala-gala sa malawak na palayan kahit alam kong malayo na kami sa lahat ng taong kilala ko. Sa mga taong mula sa nakaraan ko.

I just want to be prepared. Hindi rin kasi mawala sa isip ko ang nangyari noon. If they can get past on the Flores' security, then, Mama's sister must be really influential.

I don't know.

Hanggang ngayon, wala naman akong nababalitaan na nahuli na siya. O baka naman hindi na hinanap. O hanggang ngayon ay hindi mahanap. Hindi ko rin alam. Minsan, naiisip ko kung hanggang kailan ako mabubuhay sa mundong ito na punong-puno ng takot?

Ever since that happened, hindi ko na maiwasang magduda sa mga taong nasa paligid ko. Maybe, I am paranoid but whenever I am not inside the premises of our home, hindi ako panatag. Mas lalo na ngayong narito na si Xav.

Kaya hangga't maari, hindi ko kayang pakawalan siya kung saan-saan. Hindi ko alam kung anong mangyayari o ano ang magiging reaksyon ko kung mawala siya sa paningin ko ng ilang oras maliban nalang kung galing siyang eskwelahan.

I sighed inside my head and looked at my son who's humming a familiar song. Napangiti ako nang maalala kung ano ang kantang iyon.

He looks adorable so my hand went to his head and rubbed his hair. Napahinto siya at saglit na napatingin saakin pero kalaunan ay hinawakan ang kamay kong nakapatong sa ulo niya at siya na ang nagpaggalaw no'n. Natawa ako at napangiti nalang sa inasta niya.

Habang naglalakad kami, ilang beses ko siyang pinaalalahanan na mag-ingat dahil maraming sangang nakakalat sa nilalakaran namin. He just nodded and continued walking faster than me that's why I didn't have a choice but to chase after him.

Nang makarating kami sa ilog, I immediately saw the clear and shallow water.

"Mama, can I swim now? Can I?" Hindi mapakaling tanong niya.

I motioned him to stop and wait for a minute dahil mauuna muna akong lumusong at tinignan kung mahina lang ba ang agos ng tubig. Kahit pa kasi mababaw ang tubig, hindi ko pa rin alam ang mangyayari kung mabilis ang daloy ng tubig dito sa ilog.

WE WEREN'T SAYINGWhere stories live. Discover now