Chapter 1

980 37 2
                                    

Beginning 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Beginning 

(1 month earlier)

"Sophia, intindihin mo ako. Ginawa ko lang ito para sa 'yo."

Tumingin ako kay Mama ng diretso. May namumuong luha sa mga mata ko. "Pero, Ma. Pakiramdam ko binenta mo 'ko!"

"Anak! Hindi kita binenta. Sadyang gipit lang tayo. Kung hindi ako humingi ng tulong sa kumare ko, baka tuluyang mawala sa atin itong farm na tanging alalala ng papa mo."

"Pero, Mama—"

"Makinig ka sa akin, Sophia. Hindi ako nagpakabit sa Papa mo para magkaroon ng sutil na anak katulad mo. Sundin mo ang utos ko!"

Pakiramdam ko nabingi ako sa mga salitang binitiwan ni Mama. Nanlaki ang dalawa kong mata habang titig na titig sa kaniya. Ibig sabihin... "Totoo ang lahat ng mga naririnig ko noon pa man?"

Humugot ng hininga si Mama bago tumango. "Ginawa ko lang 'yon dahil ayoko ng maging mahirap, anak. At ang papa mo ang sagot para makaalis ako sa kahirapang iyon."

"M-May sinaktan kayo," bulong ko habang pinipilit alisin sa isipan ko ang mga natuklasan ko ngayong araw.

Hindi ko na alam kung ano ang mas masakit. Ang malamang kabit ang nanay mo o ang malamang binenta ka ng sarili mong nanay sa hindi mo kilalang tao. Pakiramdam ko ang baba kong babae.

Gumagawa naman ako ng paraan para makaipon ng pera pantubos sa nakasangla naming farm, pero hindi na iyon nahintay ni Mama. At ngayon, ako ang naging kabayaran niyon.

"Minsan talaga, anak, kailangang may masaktan para makuha natin ang gusto natin sa buhay. At ginawa ko 'yon dahil ayoko ng bumalik sa pinanggalingan ko. At ngayon ginawa ko muli ito para hindi mo maranasan ang buhay na dinanas ko noon."

"At 'yon ay sa pagbebenta sa akin."

"Hindi ka ba nakakaintindi, Sophia? Nagsayang lang ba ako sa pagbigay sa 'yo ng magandang buhay at maging mukha? Anak, gamitin mo ang utak mo. Kapag ikinasal ka na sa anak ng kumare ko, babalik ka na sa dati mong buhay. Magiging buhay reyna ka ulit."

"Pero hindi naman mahalaga sa akin ang mga 'yon, e. Dangal ko kasi ang tinaya mo, Mama. Pagkatao ko. At iba 'yon..."

Hinaplos niya ang pisngi ko at piahuran ang luhang kumawala mula sa aking mata. "Isipin mo na lang na ginagawa mo ito para sa papa mo. Para sa farm, anak. Para sa 'ting dalawa. Dalawa na lang tayo, at kailangan nating magtulungan sa mundong 'to."

Suminghap ako ng hangin. At kahit labag sa loob ko ay wala akong magawa. Bata pa lamang ako ay sunud-sunuran na ako sa mga kagustuhan ng mama at nadala ko iyon hanggang sa lumaki ako.

"Paano kung hindi ako tratuhin ng mabuti ng anak ng kumare mo?"

Ngumiti si Mama. Iyong ngiting tagumpay. "Hinding-hindi mangyayari 'yon, anak. If I know mahal ka ng anak niya, kaya noong mabanggit ko ang problema natin, siya mismo ang lumapit at umalok ng tulong."

Pleasuring Him [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon