Chapter 10

522 29 0
                                    

Forgiveness

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Forgiveness

Sometimes we hurt our own self because of expectation. We expect the people around us to be something else, and if they fail us, it cause us pain.

"Mau, bakit gano'n siya? Ang akala ko kasi okay na kami, pero bakit may Ara pa?"

"Pi, minsan talaga sa buhay, masakit ang umasa." Sinuklay niya ang buhok kong nakaharang sa aking mukha. "Lalo na pagdating sa taong lubos mong pinagkatiwalaan."

"Hindi ko maintindihan, Mau. Bakit ako nasasaktan ng gano'n kay Khale? Hindi ko naman 'to nararamdaman noon, pero bakit ngayon?" Umalis ako mula sa pagkakahiga sa hita ni Mauie at umupo ng tuwid sa ibabaw ng kama niya. Tinuro ko ang aking dibdib at nagpatuloy. "Masakit dito."

Huminga siya nang malalim. "Siguro dahil mahal mo na siya. O kung hindi man, unti-unti ka ng nahuhulog sa asawa mo."

"Ayoko nito, Mau. Kung ganito lang din naman ang pag-ibig, ayoko nito." Iiling-iling kong wika.

I've never felt this kind of pain before. Kahit noong saktan ako ni Khale ng mga salita niya, hindi ako nakaramdam ng ganito katinding sakit. Iyong tipong parang hinahati ang puso mo sa dalawa. It's too painful to handle.

"Akala ko ba masaya ang umibig? Eh bakit ako nasasaktan?"

"Pi, you're too innocent for these things. Love and pain comes together. Where there is love, there is pain. When you love, you allow yourself to be vulnerable to the pain it may bring."

"Ang sakit lang kasi, Mau. Sinusubukan ko naman ang lahat para bumalik kami sa dati, pero paano ko gagawin 'yon kung si Khale mismo may ginagawang iba kapag nakatalikod ako."

"Pi!" Niyakap ako ni Mauie, at sumubsob ako sa kaniyang balikat. "Ikaw pa rin ang asawa, tandaan mo 'yan. No one can take away your husband, even Ara. Khale is yours from the very beginning. For now, learn to embrace the pain. But if it's too much, learn to let go."

"I don't know what to do, Mau. Ayokong makita si Khale sa kalagayan ko ngayon."

"Take a rest first, Pi. Kanina ka pa umiiyak," aniya.

Unti-unti akong nakaramdam ng pagod. Ilang oras din akong umiyak ng umiyak. Mauie never said a thing. Hinayaan lamang niya akong ilabas ang lahat ng hinanakit ko.

Hindi na rin ako nakapasok sa panghapong schedule ko dahil sa unit ako ni Mau tumuloy. Ayokong umuwi sa bahay. Ayokong makita ang pagmumukha ni Khale. Baka kung ano pa ang lumabas sa labi ko na pagsisihan ko rin sa huli...

Ilang oras din akong nakatulog noong magising ako sa ingay na nanggaling sa labas ng unit ni Mauie. Sa couch na ako nakatulog kaya rinig na rinig ko ang nagtatalong boses sa pintuan.

"I need to talk with my wife!"

Natigilan ako noong mapagtantong si Khale iyon. Nandito siya. Pinuntahan niya ako. Hindi ko maipaliwanag, pero biglang sumaya ang puso ko. Kung kanina, galit na galit ako, ngayon parang unti-unting natutupok ang galit ko para sa kaniya.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now