Chapter 15

457 25 7
                                    

Lost

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lost

Tagaktak ang pawis at hinihingal ako noong maupo sa pavement. Sumunod si Khale sa pag-upo at iniabot ang bottled water na hawak.

"Thank you," wika ko noong abutin iyon.

Napalingon ako sa kaniya. Wala akong mabakas na kahit anong pagod sa kaniyang mukha. Ni-hindi man lang siya hiningal.

"Araw-araw mo talagang ginagawa 'to?" tanong ko.

Tumango siya at kinuha ang bottled water na kakatapos ko lamang inuman. Uminom din siya mula roon.

"Yeah. Jogging is good for the health."

Ngumuso ako. "Eh, bakit nananakit ang mga binti ko?"

Ngumisi siya at ginulo ang magulo ko ng buhok. "That's normal reaction, Fi. Your body is not yet accustomed to it. But as soon as you found the rythmn, you won't feel any pain."

Bumuga ako ng hangin. "Hindi ko na yata kayang umulit. Masakit talaga sa binti, e."

Sabado ngayon at kinulit ko si Khale kagabi na sasama ako sa pagj-jogging niya. Hindi ko naman inasahang ito ang mapapala ko. Akala ko ba maganda ito sa katawan? Eh, parang binugbog ako sa sakit!

Kumunot ang aking noo noong patalikod siyang lumuhod sa harap ko. Ang kaniyang malapad na balikat ay nakaharap sa akin.

"Come on," wika niya.

Pinamulahan ako ng mukha. "K-Kaya ko, 'no!"

Nakaramdam ako ng hiya. Simula noong aminin ko sa kaniya ang nararamdaman ko ay pakiramdam ko babasaging plato na ang turing niya sa akin. Napaka-protective niya lalo na kapag nasa campus ako. Maya't-maya ang pagt-text niya at humihingi ng updates patungkol sa araw ko.

Minsan naman ay sinurpresa niya ako sa campus. Siya ang sumundo sa akin at ilang hampas ba ang natanggap ko mula sa mga kaklase ko? Hindi ko mabilang. Nahihiya ako noong araw na iyon lalo na noong hinalikan niya ang labi ko sa harap ng maraming tao. Laking pasalamat kong hindi ako pinatawag ng dean sa salang PDA.

"Come on, Fi. Di ba may lakad pa kayo ni Mauie mamaya?"

Noong maalala ang tungkol sa usapan namin ni Mauie ay umangkas na lamang ako sa likuran niya. Malayo-layo rin ang bahay at kung pipilitin kong maglakad ay baka talagang bumigay ang mga binti ko.

"Khale!" tili ko noong hampasin niya ang pwetan ko.

Tumawa siya at napairap naman ako. Kinagat ko ang tainga niya at napaungol siya. Ako naman ang tumawa sa kaniya.

"Gumaganti?" wika niya sa nagbabantang tono.

Dali-dali kong hinalikan ang kaniyang pisngi. "Hindi na po."

"Sa kabila pa," utos niya

Tumawa ako bago halikan ang kabilang pisngi niya. Kumapit ako ng mahigpit sa kaniyang leeg at isinandal ang aking ulo sa kaniyang napaka-komportableng balikat. Tuwing siya ang kasama ko ay nawawala ang lahat ng takot at pangamba na meron ako. Pakiramdam ko safe na safe ako, lalo na kapag kinukulong niya ako sa kaniyang mga bisig.

Pleasuring Him [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon