Chapter 16

352 23 0
                                    

Numbed

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Numbed

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na dumaloy sa buo kong pagkatao. Tila nilalamon ang puso ko at dahan-dahan itong pinipiga. Hindi lamang pinipiga, kundi unti-unting dinudurog. Ikinurap ko ang aking matang pagod ng lumuha.

My heart is aching. Every veins in my body feels like breaking. My body felt numb from the searing pain I've suffered. And the sad part is I couldn't do anything but to stare on the white ceiling.

Gusto kong isigaw ang hinanakit na lumukob sa aking dibdib ngunit masyado akong mahina para gawin iyon. Gusto kong tanggalin ang mga aparattus na nakakabit sa aking katawan ngunit hindi ko man lang maigalaw ang mga kamay ko. I'm too weak to even lift a finger.

My mind is drain. My body is weak. And my heart is bleeding.

Bumukas ang pinto sa silid na kinaroroonan ko. Ipinikit ko ang aking mata dahil pagod na pagod na akong makita ang awang namutawi sa mga mukha nila. I don't need their pity. Hindi niyon kayang buhayin ang baby ko. I want my baby. Iyon lang ang makakatanggal ng sakit na nararamdaman ko.

"Anak," boses iyon ni Mama. "Alam kong gising ka."

Rinig ko ang paglapit niya sa akin at pag-upo sa upuang kaharap ng aking kama. Hinawakan niya ang aking kamay at ramdam ko na naman ang pangingilid ng luha sa aking mata. Mariin kong kinagat ang aking labi upang pigilan ang pagluha. Tumiim ang aking bagang habang patuloy sa pagkunwaring natutulog.

"Nasa labas ang asawa mo. Gusto kang makita," wika niya at agad umusbong ang matinding galit sa puso ko.

Hindi ko na kinayang magkunwari. Idinilat ko ang aking mata at hinayaang umagos ang mga luhang kaninan ko pa pinipigil.

"Pakisabi sa kaniyang hindi ko siya kailangan. Pakisabi sa kaniyang huwag na huwag na siyang magpapakita sa akin," mariin kong wika. "Hindi ko siya kailangan! Hindi ko siya kailangan, Mama! Pinatay niya ang baby namin!"

Nanginginig ang buo kong katawan habang sinasambit iyon. Muling nanumbalik sa isipan ko ang panankit na ginawa niya sa akin at kung paanong dahil doon ay nawala ang baby ko. Kahit anong rason pa ang meron siya, hinding-hindi ko iyon kayang tanggapin.

Mabait akong tao. Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. Kaya kong magpatawad kahit hindi iyon hinihingi. Pero iba ito. Hindi lang iyon basta-basta. Dugo at laman ko iyon. Dugo at laman kong nawala sa akin dahil sa kaniya. Kahit anong halukay ko ng kapatawaran para sa kaniya ay hindi ko magawa. I couldn't find forgiveness within my heart. My heart is too clouded right now that all I could feel is despair and strong anger.

Muling bumukas ang pinto at otomatikong kumuyom ang nanghihina kong palad noong mapagsino ang pumasok. Sa likuran niya ay ang kaniyang mga magulang. Mababakas ang pag-aalala sa mukha ni Mommy Carlotta, habang ang anak naman niya ay nagsusumamo ang tingin. Namumula ang mata nito at pansin ko ang pagbawas ng kaniyang timbang. Mukha siyang pagod na pagod at kulang sa tulog.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now