Chapter 26

242 8 0
                                    

Unfold

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unfold

Humahaplos ang lamig na dulot ng kaba sa aking dibdib. Pagkalipas ng ilang buwan ay ngayon lang muli ako babalik sa lugar na ito. Hindi ko alam kung kaya ko na. Hindi ko alam kung tuluyan ko ng tanggap ang katotohanan.

Pumasok ang sasakyan sa loob ng mansyon. Pakiramdam ko ay may kung anong humahalukay sa aking tiyan habang nakatanaw sa bahay. Ramdam ko ang paghawak ni Khale sa aking palad noong bumaba kami.

Nanghihina ang mga binti ko at parang hindi ko kayang humakbang. Biglang bumalik sa aking alaala ang mga naganap sa bahay na ito. This mansion was supposed to be our haven. It was supposed to be our sanctuary. Pero tuwing bumabalik sa isipan ko ang pangyayaring iyon ay parang impyerno sa paningin ko ang mansyon na ito. I lost my baby in this house. And because of it, my marriage was put on trial.

On the contrary, I managed to find the lining out of those horrible incidents. Siguro hindi pa kami handa ni Khale noong panahong iyon. Masyado pang mababaw ang pagsasama namin. Hindi pa ganoon katatag ang relasyon namin upang magkaroon ng sariling pamilya. Somehow, thinking those possible reasons made me conclude that what happened to me, to us, was a blessing in disguise. And we both learned from it.

"Ready?" tanong ni Khale.

I breathed heavily. Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking palad. It seemed like he is squeezing my palm. Para bang gigil na gigil siya. Mula sa sulok ng aking mata, pansin ko ang ngiting nakapaskil sa kaniyang labi. It brought sunshine to my heart. Whenever he put on that genuine smile, I could see the guy who cared for me from before. And my heart will instantly melt.

"Always," tugon ko.

Pagkatapos ng mga nangyari nitong nakaraang araw ay napag-isipan kong bumalik sa mansyon kasama niya. Tutal, ito naman talaga ang bahay ko.

At isa pa, kailangan ko ring harapin ang kinakatakutan ko. Hindi naman habambuhay ay doon na lamang ako sa Bulacan upang takasan ang mapait na alaalang ayoko ng balikan. Darating din ang araw na kailangan kong maging matapang muli. At ito na ang araw na iyon.

Alam ko sa puso kong pinatawad ko na si Khale. Pagkatapos ng mga sinakripisyo niya para sa akin, doon ko napagtantong hindi ako nagkamaling bigyan siya ng panibagong pagkakataon. Pero hindi naman ganoon kabilis makalimot. Kasi hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa rin ang mga naganap sa bahay na ito. Those horrible things were like a permanent scar etched on my soul. And the only thing I could do is to embrace it wholeheartedly. Kasi iyon ang dapat.

Scar-- It is one thing that we can never avoid. When I was little, I always cry whenever I fell off the ground. I was too scared that it might leave scars on my skin. Takot ako sa maaring sabihin ni Mama. Takot akong mapagalitan niya. Ang hindi ko alam, iyong ganoong uri ng peklat ay mababaw lamang. As I grow older, naging bukas ang isipan ko sa isang uri pa ng peklat. Iyong pangmatagalan at hindi basta-basta nawawala. I never tried to avoid it since then. Maybe the purpose is not to avoid, but to collect every fragments of it. It was a representation that whatever life thrown at us, we managed to overcome it.

Pleasuring Him [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon