Chapter 11

458 29 0
                                    

Gazebo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gazebo

"Ma, akala ko ba bibisita tayo kay papa sa ospital?" inosente kong tanong.

"Bukas na muna, anak. Ang importante ngayon makapunta tayo sa party ng mga Cardona," sagot ni Mama. "Isuot mo 'to."

Alanganin kong tinanggap ang dress na binigay ni Mama. Sleeveless ito at hanggang tuhod ko ang haba. Pagkatapos ko iyong isuot ay inayos naman ni Mama ang aking buhok. Pinusod niya iyon at hinayaang bumagsak ang ilang hibla sa gilid ng aking mukha.

"Bakit po ba kailangan nando'n tayo?" tanong ko habang inaayos ni Mama ang buhok ko.

Sumulyap siya sa akin sa pamagitan ng salamin. "Isa sila sa pinakamayaman sa lugar natin, anak. At sa tingin ko mabait din sila kaya inimbita nila halos lahat ng naririhan sa subdivision na 'to," aniya at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkinang ng kaniyang mata. "Dapat presentaable ka dahil panigurado maraming anak mayaman ang dadalo sa party. Baka ma-discover ka."

Hindi na lamang ako kumibo. Kahit namang ipilit ko kay Mama na bisitahin si Papa ay hindi niya ako papakinggan. Gagawin at gagawin pa rin niya ang gusto niya.

Hindi naman kalayuan ang bahay ng mga Cardona, pero nakuha pa naming mag-taxi ni Mama para raw sosyal kami tingnan. Nasa gate pa lamang kami ay parang uurong na ang mga binti ko pauwi. Umuulan sa dami ng tao ang buong lugar. May ilan akong namumukhaan dahil kapit-bahay lang din namin, ngunit ang iba ay nakikita ko lamang sa newspaper.

"Ma, umuwi na lang kaya tayo," sabi ko.

"Umayos ka, Sophia. Kailangan palagi kang nakangiti," aniya.

Kahit labag sa kalooban, nakuha kong ngumiti, iyon nga lang pilit na ngiti. Todo kapit ako sa kamay ni Mama noong makapasok kami.

Malawak ang bulwagan at napapalibutan ng mga nagtatasang puno ang buong paligid. May fountain sa gitna at iilang ilaw na ngayon ko lamang nakita. Nakakamangha rin ang puting mansyon na nakatayo sa pinaka-sentro. Pinaghalong modern at vintage ang desinyo niyon.

Biglang nawala si Mama sa tabi ko at noong ilibot ko ang aking paningin ay nakita ko siyang may mga kausap na. Hinayaan ko na lamang ang sarili kong ikutin ang kabuuan ng lugar.

Lakad lamang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa likod na bahagi ng mansyon. May swimming pool doon na napapalibutan ng neon lights. May gazebo ring nakatayo sa backyard ng mansyon malapit lamang sa swimming pool.

Nakasuot ako ng high-heels kaya naman mabilis ko lamang itong nahubad sa aking paa. Umupo ako sa gilid ng swimming pool at nilublob ang aking binti sa tubig. Napangiti ako habang nilalaro ang tubig. Natigil ako sa paglalaro noong may tumikhim sa likuran ko. Dali-dali akong tumayo at sinuot ang sapatos ko bago lumingon.

May isang lalaking nakapamulsa at nakasuot ng suit ang bumungad sa akin. Blonde ang kulay ng buhok niya at may maliit siyang piercing sa tenga. Hindi iyon basta-basta mapapansin, ngunit dahil sa sinag ng ilaw na tumatama sa direksyon niya ay kumikinang ang suot niyang earring.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now