Chapter 24

202 6 0
                                    

Protect

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Protect

You can never tell what will happen. No one can predict things. In a blink of an eye, everything can change. And if it happened, things will never be the same again... Things will never be the same for me...

Isang malakas na putok ang nagpatigil sa tibok ng puso ko. Nanlaki ang aking mga mata at nagsimulang manginig ang buo kong katawan. Kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Mr. Chan sa malamig na sahig ay siya ring pagdausdos ng baril sa aking kamay.

Nanghina ang mga binti ko noong sumulyap sa ngayong wala ng buhay niyang katawan. Bumulwak ang kaniyang dugo sa sahig at dumaloy iyon sa aking paanan. Malakas ang bawat kalabog ng aking puso at kasabay niyon ang dahan-dahan kong pagluhod sa harapan niya.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa aking mata habang tanaw ang kaniyang bangkay. Natutop ko ang aking bibig upang huwag gumawa ng kahit anong ingay. Gusto kong tumayo. Gusto kong tumakbo palayo sa lugar na ito, ngunit ang mga pesteng binti ko ay tila namanhid sa takot at kaba.

Hindi ako makakilos at tanging impit na pag-iyak lamang ang nagawa ko. I never felt this hopeless and scared. And the thought that no one will save me from this mess made my stomach churns. It twisted like a melting iron.

"H-Hindi ko sinasadya," paulit-ulit kong bigkas. Basag na ang boses ko ngunit hindi pa rin ako tumitigil.

Umatras ako palayo mula sa kaniyang katawan at sumandal sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay niyon ay ang pagyakap ko sa aking nanginginig na mga binti.

My body keeps trembling roughly. Masakit na rin ang aking labi dahil sa pagkagat ko rito. Hindi ko maipaliwanag ang takot na namutawi sa dibdib ko, para itong pinupukpok sa kaba.

Ayokong makulong. Natatakot akong baka pagtayo ko ay hinding-hindi ko na masisilayan pa ang araw. Ang mga ulap sa kalangitan. Ang mga kumikinang na bituin tuwing gabi. Ang Mama ko. Ang mga kaibigan ko. At higit sa lahat... ang asawa ko. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa akin sakaling makulong ako. Kahit hindi ko sinasadya, nakapatay ako. Nakapatay ako ng tao.

Kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan kong makakagawa ako ng ganitong bagay. At kahit anong pilit kong isiksik sa isipan ko na nagawa ko lamang iyon upang iligtas ang sarili ko ay hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam ko. Bagkus, mas lalo lamang itong bumibigat.

Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko? Bakit ang bilis kong magtiwala na hindi ko man lang napaghandaan ang mga pwedeng mangyari? Pakiramdam ko kasalanan ko rin kung bakit ako nahantong sa sitwasyong 'to. Sa unang pagkakataon, naging gahaman ako. Sa kagustuhan kong mapatunayan ang sarili, ito ang inabot ko. Isa kang malaking failure, Sophia! Kahit anong subok mo, wala pa rin.

Isinubsob ko ang aking mukha sa aking binti. Ramdam ko ang lalong pagnginig ng aking katawan at kahit anong pigil ko rito ay hindi ko magawa. Wala na akong pakialam kung magmukhang basang sisiw man ako, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makaalis sa lugar na ito. Dahil pakiramdam ko ay dahan-dahang pinapatay ang puso ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga habang tanaw ang katawan niyang walang buhay.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now