Chapter 2

736 37 1
                                    

Sweet dreams

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sweet dreams

Tanghali na noong magising ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at nanakit ang buong katawan ko. Khale was abusive last night. Ilang gabi na siyang ganoon, ngunit kagabi ay matinding-matindi ang galit niya noong umuwi sa bahay.

Hindi ko alam kung anong mali na naman ang nagawa ko para magalit siya sa akin. Sinusubukan ko namang maging asawa sa kaniya. Sinusubukan kong ibalik ang kung anong meron kami dati, pero para siyang yelo— napakalamig at hindi basta-basta matitibag.

Para siyang nandidiri tuwing titingin sa akin, pero kung galawin ako dinaig pa niya ang isang hayop.

Napaluha ako at nagsimula na namang manikip ang dibdib ko habang inaalala ang kahayupan niya kagabi. He was drunk and violent. He tried to sodomized me, but I beg and beg for him to stop. Ang akala ko ay hindi na niya maririnig ang mga palahaw ko, ngunit para siyang natauhan at tinigilan ako.

Pinunasan ko muna ang luhang lumandas sa aking pisngi bago bumaba ng kama. Pinatungan ko lamang ng roba ang suot na night dress bago tuluyang bumaba. Naabutan ko sa kusina si Manang Adelfa, ang mayordoma sa bahay ni Khale, na nagluluto.

"Hija, tinanghali ka yata," aniya at tipid na ngumiti.

Hinila ko ang isang stool na katapat ng mesa. Kumuha ako ng hotdog at kinain iyon. Hirap akong lumunok dahil hindi maalis sa isipan ko ang mga kahayupang pinanggagawa ni Khale sa akin. Dalawang Linggo pa lamang kaming nagsasama, pero pinaparamdam na niya sa aking wala akong kwentang tao. Hindi siya nagsasawa sa pagsumbat sa akin ng masasakit na salita at sa pagtrato sa akin na parang bayaran. He was never the man who used to adore me once. He's like a beast, always trying to lay his fangs on his prey, who is me.

"Gusto mo bang uminom ng kape?" tanong ni Manang Adelfa.

Tumango ako.

Ilang sandali lang ay inilapag ni Manang Adelfa ang kape sa tapat ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya bago sumimsim doon.

"Salamat, po," wika ko. "Kanina pa po ba umalis ang amo 'nyo?"

Kunot-noo akong binalingan ni Manang Adelfa. "Hindi ba siya nagpaalam sa 'yo? Naku! Ang alaga kong 'yon talaga."

Alanganin akong ngumiti at nagpatuloy sa pagkain.

Narinig ako ang pagtikhim ni Manang at muli itong nagsalita. "May problema ba kayong dalawa? Napansin ko kasing hindi kayo nagsasama sa iisang kwarto, eh kasal naman kayo, 'di ba?"

Tipid akong ngumiti. "Wala po kaming problema, Manang. Naninibago pa lang po kasi ako at naiintindihan naman iyon ng asawa ko," pagsisinungaling ko.

Bago kami ikasal ni Khale ay sinabi ko na sa kaniyang ayokong matulog katabi siya. Noong una ay tumawa siya, iyong tipong nakakainsulto, pero sa huli ay pumayag din siya.

"Gano'n ba? Huwag ka sanang mailang sa alaga kong 'yan, hija. Napakalambing niyan at siya na yata ang pinaka-sweet na batang inalagaan ko," aniya, mababakas ang pagmamalaki sa kaniyang boses.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now