Chapter 27

552 13 3
                                    

Lose

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lose

Nanginginig ang mga kamay ko ngunit nakuha ko iyong iyakap kay Khale. Nanginginig ang buo niyang katawan sa galit at pilit tinatanggal ang aking braso sa kaniyang katawan.

"Khale..." My voice started to crack and fear embedded my chest.

"Bitiw!" buong-buo niyang sigaw. Galit na galit ang kaniyang boses na dumagundong iyon sa buong parking lot.

Sunod-sunod akong umiling. Sinakop na ng matinding takot ang dibdib ko. Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako sa pwedeng magawa ni Khale para sa akin.

"Sophia..." may pagbabanta sa kaniyang malamig na boses.

"Hindi, Khale... Hindi!" Umiling ako. "Huminahon ka, p-please." Tuluyang nabasag ang boses ko. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ko. "Ayokong madungisan ang kamay mo. Ayoko na, Khale! Ayoko ng mawala ka sa tabi ko. Please, para sa akin, huminahon ka."

Tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng mga luha ko. Nanginginig na ang mga binti ko sa pinaghalong takot at kaba. Wala akong nakuhang reaksyon mula sa kaniya. Malalalim na buntong hininga ang sunod-sunod niyang pinakawalan. Lumapat ang kaniyang malamig na palad sa ibabaw ng aking kamay. Hinawakan niya iyon at doon ko lamang siya nakitang kumalma. Naroroon pa rin ang matinding galit sa kaniyang mukha. His gray eyes were dark. His brows were knitted. He clenched his jaw and he closed his fist as tight as he could.

Hinawakan ko ang kaniyang namumulang pisngi. Pumikit siya ng mariin at huminga nang malalim. Dumilat siya at nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin.

"Bakit, Sophia? Bakit ngayon lang?" May panunumbat sa kaniyang boses, ngunit nangingibabaw pa rin doon ang pag-aalala.

Umarko ang aking labi at parang ulan na bumuhos ang mga luha ko. Yumuko ako ngunit naramdaman ko ang kaniyang palad, tinataas ang aking baba.

"Wala ka bang tiwala sa akin? Gano'n ba ako kawalang halaga sa 'yo na hindi mo masabi ang totoo?" Napuno ng pagsisisi at lungkot ang kaniyang boses.

Parang piniga ang puso ko sa sinabi niya. Gusto kong sabihing hindi, ngunit nawalan ako ng lakas noong marinig ang boses niyang unti-unting nabasag.

My lips were pursed tightly. Ikinuyom ko ang aking palad at nagpasakop ako sa mga alaalang pilit kong nililimot.

"Pinangunahan ako ng takot at galit kaya hindi ko masabi sa 'yo. Takot na takot ako dahil wala akong makapitan. Galit ako sa mundo. Galit ako sa sarili kong ina. Galit ako sa sarili ko. At..." Mariin ko siyang tinitigan. "Galit na galit ako sa 'yo!"

Nanginginig ang buo kong katawan sa takot. Yakap-yakap ko ang aking sarili habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko. May ngisi sa kaniyang labi habang binubutones ang suot niyang puting polo.

Lumuhod siya at pinagapang ang madumi niyang palad sa aking baba. Gusto kong iwakli ang kamay niya dahil nandidiri ako ngunit hindi ko magawa. Nawalan ako ng lakas. Nawala ang tapang ko pagkatapos niya akong lapastanganin. Wala akong nagawa upang ipagtanggol ang sarili ko. Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko at hindi naman iyon nakatulong. Mas lalo lang sumakit ang dibdib ko.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now