Chapter 9

472 30 0
                                    

Aching Heart

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aching Heart

Ilang minuto na noong makaalis si Nikko, pero nanatili pa rin akong nakatayo. Sa loob ng ilang minuto ay maraming naganap. Hindi pa rin ako makahuma sa ginawang pagkabig ni Khale sa aking bewang at paghalik sa aking labi, sa harapan ni Nikko.

Napatingin ako sa direksyon ni Khale. Nakabalik na ito sa kaniyang swivel chair at kasalukuyang hawak ang brown envelope na kanina lamang ay bitbit ko.

Nanumbalik sa isipan ko ang ginawa niyang pagtitig kay Nikko pagkatapos akong halikan. Para bang nag-uusap sila, ngunit silang dalawa lamang ang nakakaintindi. Parang may gusto siyang ipahiwatig sa isa. May gustong patunayan.

Pinasingkit ko ang aking mata upang matitigang mabuti si Khale. Wala namang kakaiba sa kilos niya, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Umangat ang kaniyang tingin at saktong nagtama ang paningin naming dalawa.

"Are you okay?" aniya.

Tumango ako bilang tugon bago tumungo sa sofa na katapat lamang ng kaniyang working table.

"Remember, Nikko?" Makahulugan niyang tanong. Hindi ko mawari ang emosyong lumukob sa kaniyang mata noong banggitin ang pangalan ng isa.

Nanikip ang dibdib ko. Paano ko siya makakalimutan?

Muli akong tumango.

"He just came back from Australia. How do you feel seeing him?" I could sense sarcasm from his voice.

Kumunot ang noo ko. Ano ba ang pinupunto niya?

Umiling ako sa tanong niya. Ano ba ang tingin niyang mararamdaman ko kapag nakaharap kong muli ang taong sumira ng buhay ko? Akala ba niya maglulupasay ako sa tuwa? I felt nothing but pure emptiness.

I never thought seeing Nikko Constantine again in person. Pilit ko ng tinatakasan ang bangungot na iyon, pero mukhang hindi ko na magagawa iyon. Sa loob ng ilang taon, muling nanumbalik ang bangungot na 'yon sa isipan ko. Para akong nakagapos sa kadena ng kahapon. Kahit anong pilit kong takas at limot ay ayaw talaga akong palayain ng tadhana.

Ang mata ko'y nakatitig kay Khale, ngunit ang isipan ko'y lumilipad sa ibang bagay. Sa ibang pangyayari. I tried to take a deep breathe and focused on Khale, lalo na sa sinasabi niya.

"Sophia?" Kumunot ang kaniyang noo. "Are you with me?"

Nakagat ko ang aking labi. "Sorry! May iniisip lang ako."

"Nikko?" Maanghang niyang tanong.

"Ha?" Maang kong tanong.

Pumormal ang pagkakaupo niya sa kaniyang silya. Pinagsalikop niya ang kaniyang palad na nasa ibabaw ng kaniyang mesa.

"Do you want to say something?" Mariin niyang tanong.

Umiling ako. "Wala, Khale..."

Nanunuri ang kaniyang mata. Para itong agila at handang-handa ng mandagit ng kaniyang biktima. "Are you sure? You don't have anything to tell me about you and Nikko?"

Pleasuring Him [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon