Chapter 25

215 6 0
                                    

Justified

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Justified

Tulala akong nakaupo sa mahabang sofa. Ang palad ko ay nakalapat sa aking dibdib na naninikip. Hindi ko na matandaan kung paano ako nakaalis sa lugar na iyon. Ang huli kong naalala ay ang pagdating ni Sir Leo at Mama.

Naging mabilis ang pangyayari noong may mga reporter na dumating. Nasilaw ako ako sa flash ng camera, ngunit agad iyong sinangga ni Sir. Pagkatapos ay namalayan ko na lamang ang sarili kong nakaupo sa loob ng kaniyang SUV. Nasa tabi ko si Mama at yakap niya ako. Umiiyak siya katulad ko.

Huminga ako nang malalim at sinuklay ang buhok kong magulo. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Pinaghalong takot at kaba ang laman ng puso ko. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga naganap kanina at kung paanong lagyan ng posas si Khale ng mga police. Para iyong sirang plaka na paulit-ulit sa aking isipan. At dahil doon ay paulit-ulit ding nadudurog ang puso ko.

"Uminom ka muna ng kape para kumalma ka," si Mama bago niya nilapag ang hawak na mug sa kristal na mesa.

Lumubog ang sofa noong umupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang aking kamay na hindi tumitigil sa pagnginig. Maging ang mga binti ko ay kanina pa nanginginig. Para akong nini-nyerbos habang naghihintay sa magiging hatol sa akin, lalo na kay Khale.

"Ma, si Khale..." Nanghihina ang boses ko.

"Magiging okay din ang lahat. Magtiwala ka sa asawa mo," malumanay ang boses ni Mama ngunit hindi kayang kumalma ng damdamin ko.

Lumingon ako sa kaniya. Nangingiligid ang mga luha sa aking mata. "Talaga bang magiging okay ang lahat? Iyon din ang sabi ni Khale, e. Pero kasi..."

Napahagulhol ako noong maramdaman ang pagyakap ni Mama. Hinaplos din niya ang aking likod. Pilit niya akong pinapatahan ngunit mas lalo lamang nanikip ang dibdib ko.

Masarap sa pakiramdam ang yakap ni Mama, ngunit hindi niyon kayang pawiin ang bigat na nakapatong sa puso ko.

Hinayaan niya akong umiyak sa balikat niya. At sa ganoong tagpo kami naabutan ni Sir Leo. Mabilis kong pinahiran ang luhang kumawala sa aking pisngi bago humarap sa boss ko. Pagkatapos ng mga nangyari ay sa mansyon niya kami tumuloy. Ang sabi niya ay iyon daw ang bilin ni Khale. Sinubukan kong itanong sa kaniya kung may iba pang sinabi si Khale ngunit umiling lamang siya.

"The guest room is ready. Pwede na kayong magpahinga," wika niya.

Tumango ako. "Salamat..."

Umiling siya at puno ng pagsisi ang mababakas sa kaniyang mga mata. "No! I am sorry, Sophia. Dahil sa akin ay nahantong ka sa sitwasyong 'to."

Agad akong umiling. "It's not your fault, Sir. As your employee, it's my obligation to do my job."

Napansin ko ang panlulumo ng kaniyang mukha. Gusto kong iparating sa kaniya na hindi ko siya sinisisi sa mga nangyari. Kung may dapat sisihin ay ako iyon. Masyado akong nagpadalos-dalos sa mga kilos at desisyon ko. Nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin na kinalimutan kong gamitin ang utak ko.

Pleasuring Him [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon