Chapter 22

361 18 0
                                    

Amend

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Amend

How do you see yourself in five years? Are you happy? Miserable? Full of regrets?

I never had a chance to answer this question before. Isa ito sa mga araw kung saan wala akong kagana-ganang makinig sa professor ko. I was in deep thought that day and that question is the least of my concern. But I never knew this day would come, and that question will ring a bell to my mind.

I don't know... I don't know how to answer it. But guessing from my life choices, hindi malabong ang huli ang magiging sagot ko. A life full of regrets. A life full of what ifs.

Kahit natatakot, dahan-dahan ko pa ring minulat ang aking mga mata. Kumawala ang mga luha mula rito at kahit nanlalabo ang paningin ko, detalyadong-detalyado ko pa ring nakikita ang mga nakasulat sa dingding ng kwarto ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagbilang hanggang limang segundo at sa muling pagmulat ko walang nagbago. I know my mind was playing tricks on me, but I couldn't help but to clutch on my chest because of the word that kept ringing inside my head.

"User" is all I could see when my eyes are wide open. It pained me because it is the truth. I am nothing but a user... I used someone who is so kind to me. And the thought of what I did last night made my heart ache...

And remembering those cold gray eyes that bore into mine, I could feel my veins ripping into pieces. And that's when I realized I did this to myself. I let darkness succumbed my heart. I allowed my pride to rule me. And now, there is nothing left for me.

Noong makarinig ng katok sa pintuan ay otomatiko akong pumikit. Rinig ko ang mahina ngunit mabibigat na yapak palapit sa aking kama. Naramdaman ko ang malambot na palad na humaplos sa aking pisngi.

"Sophia," boses ni Mama. "Alam kong gising ka."

Parang spell ang boses ni Mama at kusang bumukas ang mga mata ko. Nakangiti siya ngunit hindi ko man lang kayang suklian iyon. Alam kong nagbago na si Mama, pero minsan pakiramdam ko ako mismo ang gumagawa ng paraan para itulak siya palayo. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Gulong-gulo na ang isip at puso ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. 

Truth be told, there is a part of me na may sama ng loob kay Mama. Kung hindi niya ako dinala sa mansyon nina Khale noong bata ako, hindi magiging ganito ka-komplikado ang buhay ko. But there's nothing I can do about that anymore. 

"Mama," wika ko sa mababang boses.

Lumapad ang ngiti ni Mama at kahit paano'y nakuha kong ngumiti, iyon nga lang hindi abot sa aking mga mata.

"May bisita ka sa labas," wika niya at biglang alinlangan ang ngiti.

Kumunot ang noo ko at dumako ang tingin ko sa wall clock na nasa loob ng kwarto ko. "Ng ganito ka aga?"

Mahinang tumawa si Mama. "Labasin mo na lang. Kanina pang hindi mapakali, e."

Kinutuban ako kaya dali-dali akong nag-ayos. Paglabas ni Mama ay agad akong tumakbo sa banyo. Naghilamos lamang ako at nagpalit ng disenteng damit.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now