Chapter 7

514 32 1
                                    

Make It

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Make It

The long agonizing ride was over.

Binalot kami ng matinding katahimikan noong nasa kalagitnaan ng byahe. Ngayon ay nasa tapat na ng main gate ng UM ang sasakyan niya. Walang kumikibo sa pagitan naming dalawa. Nakaupo pa rin ako sa loob at hindi ko maipaliwanag, pero parang ayokong bumaba at manatili na lamang sa tabi niya.

"Sophia?" untag ni Khale. "We're here."

Para akong nagising at dali-daling bumaba. Bumukas din ang pintuan sa driver's seat at mula roon ay lumabas si Khale. Hindi na ako nakaalis mula sa pagkakasandal sa pinto dahil agad niyang ginagap ang pagitan naming dalawa.

Nakatayo siya sa harapan ko at mariin ang bawat titig na pinupukol niya sa aking mukha. Hindi ko kayang tagalan ang malalamyos niyang titig kaya yumuko na lamang ako. Ganito rin ang naramdaman ko kay Kit noong una kaming magkita, pero 'tong naramdaman ko kay Khale ngayon lamang ay kakaiba. Mas malakas na tipong halos manlambot ang tuhod ko.

Naramdaman ko ang kaniyang mainit na palad sa aking pisngi. Dahan-dahang umangat ang tingin ko. Saktong nagtama ang paningin naming dalawa, at salamat sa ilaw na nagmula sa buwan, kitang-kita ko kung paano kumislap ang kaniyang mata.

Hindi ko mabatid ang emosyong dumaloy sa kaniyang mata. Para bang nasasaktan ito habang nakatitig sa akin. Pinalandas niya ang kaniyang palad sa aking pisngi bago bumuga ng hangin.

Nakaramdam ako ng lungkot noong alisin niya ang kaniyang palad sa aking pisngi.

Tuwid siyang tumayo sa harapan ko. "Call me from time to time, Sophia." Guni-guni ko lang ba iyon o talagang may halong pag-aalala sa boses niya?

Tumango ako at tumalikod na mula sa kaniya. Ngunit, natigilan ako noong maramdaman ang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking bewang. Ang likod ko'y nakasandal sa kaniyang matikas na dibdib. At mula roon, rinig na rinig ko ang bawat pintig ng kaniyang puso. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Sinubukan kong humarap ngunit pinigil niya ako.

"Don't," aniya, at ramdam ko ang lalong paghigpit ng kaniyang yakap sa akin. "Kahit ngayon lang," dugtong niya.

Bigla na lamang pumatak ang luha ko sa huli niyang sinabi. Hindi ko maintindihan, pero sobra ang naging epekto niyon sa akin. Nasasaktan ako.

"Khale..." tanging bulong ko. "May pag-asa ba? May pag-asa bang maging okay tayo?" lakas loob kong tanong.

"I can't tell," bulong niya malapit sa aking leeg. "Only time can tell."

"Just a chance, Khale. Just a chance. I want our marriage to work. I want to prove how sorry I am for what happened before. Just give me a chance, Khale." Mariin kong wika. Napakagat ako sa aking labi at napapikit noong muling magsalita. "And maybe... maybe I will learn to love you, for real this time."

Lumuwag ang yakap niya sa akin at ginamit ko ang pagkakataong iyon upang harapin siya. Tumingkayad ako't inabot ang kaniyang labi. I brushed my lips on his. Noong una'y hindi siya tumugon, ngunit noong maglaon ay siya na mismo ang humahalik sa akin.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now