Chapter 3

636 33 0
                                    

Guilt Trip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Guilt Trip

Napaatras ako pagpasok sa garden. Nasa tapat ng coffee table si Khale at nagtitipa sa kaniyang laptop. Sumulyap siya sa akin at muling ibinalik ang atensyon sa kaniyang laptop.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Balak kong mag-swimming ngayong umaga at hindi ko naman akalaing nandito rin si Khale. Ang akala ko ay nasa opisina siya. Ang sabi kasi ni Manang Adelfa, kahit Linggo raw ay bumabalik minsan si Khale sa kaniyang office. I never asked him about his job, dahil ayokong may isipin na naman siyang hindi maganda patungkol sa akin.

Umupo ako sa isang sun lounger di kalayuan mula sa kinaroroonan niya. Tinanggal ko ang pagkakapusod ng aking buhok at hinayaan iyong bumagsak sa aking balikat. Gusto ko munang maramdaman ang sinag ng araw sa balat ko bago ako tuluyang mag-swimming.

Isang one piece suit ang suot ko at pinatungan lamang iyon ng manipis na shaul. Sumimsim muna ako sa dalang juice bago muling tumingin sa direksyon ni Khale. Hindi na maalis-alis sa screen ng kaniyang laptop ang kaniyang atensyon.

Umangat ang kilay ko at bahagyang napakunot ang aking noo.

Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Para bang wala lang ako sa paligid niya. At hindi maiwasang magngitngit ng kalooban ko. Para bang hindi niya ako pinuntahan kagabi sa kwarto ko at hinalikan ang noo ko.

May ngiti sa labi akong gumising kaninang umaga dahil buong akala ko ay magiging okay na kami ni Khale. Pero heto siya at balik na naman sa dati niyang gawi. Ang walang pakialam sa akin bukod na lamang kung kailangan niya ng mapaglabasan ng init sa katawan.

Napairap ako at ibinalik ang tingin sa swimming pool.

Mula sa sulok ng aking mata ay nakita ko ang pagtayo niya. May kausap siya sa kaniyang cellphone noong pumasok siya sa loob ng bahay. Ipinagkibit ko na lamang iyon ng balikat.

Tumayo ako mula sa sun lounge at tinanggal ang shaul na nakapatong sa swim-suit ko. Naglakad ako palapit sa swimming pool at umupo sa gilid nito. Tinampisaw ko ang aking binti sa tubig at ninamnam ang lamig na dulot nito. Noong makuntento ay tuluyan akong lumusong. Nagsimula akong lumangoy at gumawa ng iilang twirl. Noong bata pa ako ay nagkaroon ako ng swimming lessons. At mula roon kaya ko natutunan ang ilang exhibition sa tubig na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin.

"Having the best time of your life?" Tumigil ako sa paglangoy noong marinig ang baritonong boses na iyon. Nakatitig si Khale sa akin at nang-iinsulto ang ngisi sa kaniyang labi.

"There's nothing wrong if I enjoy your pool. I guess?" sagot ko.

"There's nothing wrong, of course," aniya. "Now that you have the life you always wanted."

Huminga ako nang malalim at umahon mula sa pool. "I'm sorry. I just missed this so much. Hindi mo naman kasi sinabing off-limits ako rito."

Tinalikuran ko siya at akmang aalis noong maramdaman ang pagpulupot ng kaniyang kamay sa aking bewang.

Pleasuring Him [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon