Chapter 23

588 15 6
                                    

Chaos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chaos

There will always be consequences to our every action. In a blink of an eye, you can never tell what will happen. For some it's a blur, but for me it's crystal clear.

Life will always be balance. You can never have everything. There will be changes and sacrifices. When you gain something, there is a tendency that you will lose another thing. I never believed that everything is balance, until I experienced it.

As my relationship with Khale went smoothly, I could feel that Kit and I drifted apart.

Hindi mawala sa isipan ko ang huling pag-uusap namin. Halos hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso noon. Nahihiya ako dahil sa nagawa ko. My heart was full of guilt that I couldn't even say a word. Nanginginig din ang binti ko noon pati ang labi.

Pero kung paiiralin ko muli ang takot ko ay walang mangyayari sa akin. Fear is a good thing. It is one way to mold an individual. But what if fear eats you? Kaya humugot ako ng lakas ng loob. Nakuha ko siyang titigan at sabihin ang mga salitang gusto kong sabihin.

Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kaniya. Ilang sandali rin siyang natahimik at ramdam ko ang pagkalabog ng dibdib ko sa oras na 'yon. Para akong sumabak sa gyera at naghihintay ng magiging hatol sa akin. Ang akala ko nga ay hindi na niya ako kikibuin, ngunit iba siya. Ibang-iba.

Naramdaman ko na lamang ang malambot niyang katawang lumapat sa akin. Niyakap niya ako sa pagkakataong iyon. Narinig ko ang mahina niyang pagsinghot at gustong-gusto ko siyang tingnan ngunit mahigpit ang ginawa niyang pagyakap sa akin. Sa huli, niyakap ko rin siya nang mahigpit. Inisip ko kasi na kahit sa ganoong paraan ko man lang siya maauklian.

Kit was always nice to me. Siya iyong tipo ng taong hindi ka huhusgahan kahit gaano pa kapangit ang nakaraan o kasalukuyan mo. Like a knight, he will always protect you. But sadly, no matter how wonderful a knight is, I cannot come to appreciate it. Maybe because knight is not really my thing... Maybe I'm longing for the opposite.

"Take care of her," iyon ang huling salitang narinig ko mula sa kaniya noong ibilin niya ako kay Khale.

Pagkatapos ng araw na iyon ay wala na akong narinig mula sa kaniya. Mahigit dalawang Linggo na rin ang lumipas, pero iyong guilt sa puso ko hindi pa rin humuhupa.

"Pi, pinapatawag ka ni Sir Leo," boses ni Barbie ang pumutol sa mga gumugulo sa isipan ko.

Tumayo ako at hindi na nag-abalang mag-ayos. Agad kong tinungo ang office ni Sir Leo. Nakangiti siya noong pumasok ako kaya tipid din akong ngumiti. Isa pa 'tong si Sir Leo, hindi ko alam kung nanunukso ba o sadyang playful lamang siya.

Inilahad niya ang upuang katapat ng kaniyang working table kaya umupo ako roon. May hawak siyang folder at di kalaunan ay inilahad niya iyon sa harapan ko. Masuyo ko naman iyong kinuha at binuksan.

"He is Yñigo Chan. He is planning to invest in our company and I am giving this project to you, Ms. Sophia. I want you to close the deal," diretsahan niyang wika.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now