Chapter 4

588 34 0
                                    

Ara

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ara

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang hawak niya ang kamay ko.

Pumunta siya sa bahay at ipinagpaalam ako kay Mama.

"I'll show you something, Fi."

"Pwede ba magbihis muna ako?"

Naka-uniform pa kasi ako dahil nakatulog ako kaninang pag-uwi ko galing school.

Ngumiti siya. "No need. Maganda ka pa rin naman."

Napanguso ako at sumama na lamang sa kaniya. Nasa labas ng gate namin ang van nila. Pinagbuksan ako ng pinto ni Khale sa backseat at tabi kami roon.

Pwede na siyang mag-drive dahil 18 na siya, pero pinagbabawalan pa rin siya ni Tita Carlotta. At isa pa, wala pa kasi siyang driver's license kaya hanggang ngayon ay may driver pa rin siya.

Parati akong sinasama ni Khale tuwing pupunta kaming school kaya nakakatipid ako sa pamasahe. Pag-uwian naman, kung may practice ang basketball team ay pinapahatid niya ako.

Ramdam ko ang pagiging maalaga ni Khale sa akin. Actually, hindi lang siya dahil maging ang buong pamilya niya. Parati akong nasa bahay nila kapag weekends. May trabaho rin kasi si Mama sa resort nila kaya naman ay sumasama na lamang ako kay Khale sa mansyon nila.

Mabait ang mga magulang niya, pati na rin ang grandparents niya. Wala akong maipintas sa kanila sa kabutihang pinakita nila sa pamilya ko.

Narating namin ang mansyon nila. Agad bumungad ang malawak na front lawn sa amin. May fountain sa gitna at sa tabi nito ay may statue ng babaeng anghel.

Merong mini garden ang Mama ni Khale, at doon ay may gazebo na nakatayo. Tambayan namin iyon ni Khale, bukod kasi sa napakaaliwalas na hangin ay mabango rin ang buong paligid dahil sa mga rosas na nakapalibot doon.

Napapalibutan ng mga nagtataasang puno ang paligid ng mansyon kaya naman ay napaka-presko ng hangin at fresh na fresh sa mukha.

Pumunta sa likuran ko si Khale at nagulat ako noong takpan niya ng kaniyang palad ang aking mata. Napahawak ako sa kaniyang braso dahil sa takot na baka madapa ako.

"Khale? Anong nangyayari?" tanong ko.

"I have a surprise for you, Fi," aniya.

"Siguraduhin mo lang na masu-surprise ako."

"Trust me..."

Nagsimula siyang humakbang kaya napahakbang din ako. Kahit ang palad niya'y nakatakip sa mga mata ko, nakuha pa rin niya akong alalayan.

Tumigil kami at dahan-dahan niyang inalis ang kaniyang palad sa aking mata. Kumurap ako ng dalawang beses bago luminaw ang paningin ko.

Napakagat ako sa aking labi noong makita ang surprise na sinasabi niya. Nakaawang ang labi ko habang mababakas ang matinding tuwa at galak sa aking mukha.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now