Chapter 17

374 26 0
                                    

Courage

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Courage

Forgiveness... Second chances... Those words, it is easy to say but hard to do. And in my case, it is the hardest to give.

Si Mama, si Mauie, pati na rin ang magulang niya. Lahat sinasabi sa akin na dapat pakinggan ko siya. Na dapat ay bigyan ko siya ng pagkakataong itama ang maling nagawa niya. But how can I do that? How can I forgive him? Marinig ko lamang ang pangalan niya ay nanunumbalik ako sa araw na iyon. Ramdam na ramdam ko pa rin kung paanong dumaloy ang dugo mula sa aking hita patungo sa binti. Kaya paano ko siya mapapatawad kung lubos akong nasusuklam sa kaniya?

Pain.

I was in pain for how many weeks. At ngayon ay sinusubukan kong bumangon mula sa pagkakalugmok kong iyon. Ayokong mabuhay sa sakit. Some people hold unto the pain because it is all that is left. But I had come to a realization that we don't have to suffer from pain. We have a choice. It's either embracing the pain, or letting it go. And my pain, I turned it into something creative... something productive.

Siguro iyon ang rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko siya kayang harapin o sambitin man lang ang pangalan niya. Dahil kapag nangyari 'yon, babalik at babalik lamang ang sakit na pilit kong binabaon. Baka muling gumuho ang mundo kong pilit tinatayo. Gusto kong umusad mula sa mapait na alaalang iyon dahil kung hindi ay paniguradong mababaliw ako.

Isang katok ang pumutol sa mga iniisip ko. Mula sa kahoy na pinto, dumungaw ang ulo ni Mama. Nakangiti siya noong lumapit sa akin. Ngumiti ako pabalik. At kung noon ay puro pekeng ngiti ang pinapakita ko, iba na ngayon. Totoong ngiti na.

Hindi naman siguro masamang maging masaya ako? I've lost something important, something irreplaceable to the point that I almost lost my faith and myself together with it. Kung pananatilihin ko ang ganoong pag-iisip ay wala akong mararating. And worst, I would only disappoint those people who trusted me, which I won't allow to happen.

I only have one thing in mind now. Gusto kong ipakita sa lahat na may mararating din ako sa buhay. I will prove to those people who mocked me, played with me and caused me pain that I am not just a wife, nor a pretty face according to many. I am Sophia and my own.

Gusto kong matutong tumayo sa sarili kong mga binti. Lumaki akong sunud-sunuran sa mga kagustuhan ni Mama na halos hindi ko na makilala kung sino ako o kung ano ba talaga ang gusto ko. Ngayon, gusto kong patunayan na hindi ko kailangan ng tulong mula sa ibang tao upang maabot ang mga pangarap ko sa buhay. Lalong-lalo na ang tulong mula sa kaniya. I can live without his wealth. I can live without his influence. I can live an ordinary life. But I can never live without my dignity. Iyon lang ang bagay na hinding-hindi niya makukuha sa akin. I almost lost it before, but I tried to salvage it. And I won't let it happen again. Ayoko ng maging mahina. Ayoko ng muling apakan ang pagkatao ko. Hinding-hindi na ako papayag. That would be the last.

"Nandito na ang sundo mo," wika ni Mama at maluha-luha habang nakatingin sa akin.

Sa pamamagitan ng full length mirror na nasa harap ko, kitang-kita ko ang pagpunas ni Mama ng luhang dumaloy sa kaniyang pisngi.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now