Chapter 20

398 13 0
                                    

Not Sorry

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Not Sorry

Nanlalabo ang mga matang lumuluha. Nanginginig ang mga binting hindi na halos maihakbang. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang naglalakad sa mahabang pasilyo. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay nanunumbalik sa isipan ko ang lahat ng sakit na pilit kong nililimot. Nanunuot sa bawat kalamnan at buto ng aking katawan at unti-unti akong nilalamon.

Ramdam ko ang pagnginig ng labi ko, pilit pinipigil ang mga luhang parang ulan kung bumuhos. Tumingala ako at napakapit sa aking dibdib na doble-doble kung kumabog.

My eyes darted at the center. Seeing the man, both palms nailed on the wood, I couldn't help but to cry even more. His eyes bore into mine like he was speaking to me, crying together with me, and that made me weak even more. I stand in the middle and my eyes stared back-- guilt was written all over it.

My heart is full of hatred. My mind is full of obstructive thoughts. It seemed like his eyes reflected mine, and my heart won't stop from aching seeing what I had become. I am not this woman. I am never this woman...

Along the thick walls that I had built, I lost myself in it. In the search of who I really am, I become someone I could not recognize.

"Makasalanan po ba ako?" mahina kong wika habang titig na titig sa taong alam kong kailan man ay hindi ako huhusgahan. "Mali ba ako? Mali bang makaramdam ng matinding galit sa kapwa?"

Hindi ko na maalala kung ilang minuto akong nakaluhod doon at iyak ng iyak. Natauhan lamang ako noong maramdaman ang mainit na palad na dumapo sa balikat ko. Hindi pa ako nakaka-angat ng tingin ay isang puting panyo na ang bumungad sa harapan ko. Tuluyan akong tumingala at nagtagpo ang mata naming dalawa. Those blue eyes... I always like it.

Tinulungan akong makatayo ni Kit. Dinala niya ako sa isa sa mga upuang nasa loob ng simbahang kinaroroonan ko. Tahimik kaming naupo roon. Tanging malalalim na paghinga at mahinang tunog ng haning lamang ang maririnig sa buong pasilyo.

Ramdam ko pa rin ang panginginig ng buo kong katawan kaya naman ay napatingin ako kay Kit noong maramdaman ang paghawak niya sa palad ko. Parang bulang naglaho ang panginginig ng katawan ko sa init na dulot ng palad niya.

Ngumiti siya sa akin ngunit hindi ko kayang ngumiti pabalik. Ayokong maging plastic sa harapan niya kung sakali. Nasasaktan ako. Galit ako. At ayoko ng itago pa 'yon.

Isang malalim na hininga ang kumawala mula sa akin. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. "Alam mo 'yong masakit? Iyong tipong akala mo nakawala ka na sa kaniya, pero hindi pa rin pala. Iyong tipong akala mo ikaw na ang nagpapatakbo ng tadhana mo, pero akala mo lang pala. Why do I feel like I am bind to him until the last day of my life? Bakit ang hirap kumawala mula sa kaniya? Ako 'yong nasaktan, Kit. Ako 'yong nawalan, pero bakit ako pa rin 'tong umiiyak?"

Isang yakap ang muling nagpatulo ng mga luha ko. Ilang minuto akong nakasubsob sa kaniyang dibdib at hinayaan lamang niya ako. Parang wala siyang pakialam kung madumihan ko man ang damit niya, basta ang gusto lamang niya maiparamdam na hindi ako nag-iisa. At hindi ako manhid. Alam ko kung bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to, pero hindi ko lang talaga kayang ibalik.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now