Chapter 8

508 28 0
                                    

Lost Innocence

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lost Innocence

I couldn't stop smiling. Six months na kami ni Khale at ito ang unang beses na may regalo ako sa kaniya. Masaya akong pumunta sa gym, ganitong oras kasi ay may practice sila. Mahigpit ang hawak ko sa jar ng cookies na ginawa ko kagabi.

Magugustuhan kaya niya 'to? Hindi naman kasi kami mayaman katulad ng pamilya nila. Minsan nakakailang na ang mga regalong binibigay niya sa akin, pero ang sabi kasi ni Mama, masamang tanggihan ang grasya kaya kahit labag sa loob ko minsan ang mga binibigay ni Khale, tinatanggap ko pa rin para hindi magalit ang Mama.

Kaunti lamang ang tao sa gym noong dumating ako. Inilibot ko ang aking paningin, ngunit hindi ko mahagilap si Khale. Ang tanging pamilyar sa akin na nandoon ay si Arthur at Toby, mga kaibigan ni Khale.

Lumapit ako sa kanila. Hindi ako close sa mga kaibigan niya dahil na rin napaka-seloso ni Khale. Naalala ko pa ang ginawa niyang pagsuntok sa kaklase kong lalaki dahil lamang pinuri ako nito. Nagalit siya at pinag-awayan namin 'yon. Naalala ko ring pinagalitan ako no'n ni Mama. Ang sabi niya humingi raw ako ng sorry kay Khale, pero hindi ko ginawa dahil wala naman akong kasalanan.

Mabuting tao siya at mapagmahal, ngunit napaka-seloso niya pagdating sa akin. Hindi naman niya ako pinaghihigpitan, pero ayaw lang talaga niyang malapit ako sa ibang lalaki, kasama na roon ang mga kaibigan niya.

"Nakita 'niyo ba si Khale?" tanong ko.

Nagkatinginan si Arthur at Toby. Para bang may pinag-uusapan silang dalawa na sila lamang ang nakakaintindi.

"Si Khale, ba? Bumalik sa tambayan bago lang." Nakangiting sagot ni Arthur.

Tumango ako at nagpasalamat bago tuluyang umalis. Bago ako tuluyang makalabas ng gym, napansin ko pang may kausap si Toby sa kaniyang cellphone. Noong mapansin niyang nakatingin ako sa direksyon niya, kumaway siya't ngumiti. Ngumiti ako pabalik at tuluyang pumunta sa tambayan.

Nasa loob lang din ng school ang tambayan nina Khale. Tuwing vacant ay sinasama ako roon ni Khale kaya pamilyar na rin ako.

Abandoned room siya, pero dahil may mga barkadang babae sina Khale, nagawan nila ng paraan 'yon para ayusin. Puro couch ang nandoon at may flat screen T.V. din.

Tanging mga barkada lamang nila o kakilala ang nakakapasok sa tambayan. Malayo rin ito sa ibang building kaya kahit mag-ingay pa minsan ay wala talagang makakarinig.

Kumatok ako ngunit walang nagbukas niyon. Pinihit ko na lamang ang doorknob at bukas naman iyon.

"Khale?" tawag ko.

Inilapag ko muna ang aking bag sa couch, pati na rin ang hawak kong jar.

"Khale? Nandito ka ba?" ulit ko.

Ilang beses ko pang tinawag ang pangalan niya ngunit walang sumasagot. Muling bumukas ang pinto kaya napalingon ako. Kumunot ang aking noo noong hindi si Khale ang pumasok. Si Nikko Constantine, ang bestfriend ni Khale.

Pleasuring Him [R-18]Where stories live. Discover now