Chapter 6

562 30 3
                                    

Safe and secured

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Safe and secured

Masakit ang buong katawan ko noong magising ako. Tanging kumot lamang ang nakatakip sa kahubadan ko. Umupo ako sa ibabaw ng kama ni Khale at tumingala sa kisame. Ayoko ng umiyak. Naiyak ko na ang lahat ng nararamdaman ko kagabi. Ngayon, ayoko na. Pagod na ako. Pagod na ang mga mata ko. Pagod na ang puso't katawan ko.

Bumuga ako ng hangin bago dumako ang mata ko sa palapulsuhan kong namumula. Mahina ko iyong hinaplos habang inaalala kung paano ako babuyin ni Khale ng paulit-ulit. Pumikit na lamang ako habang hinahayaang rumagasa ang kapangahasan niya sa isipan ko.

He forcefully took me on his working table. At noong tangkain kong manlaban ay nakatanggap ako ng isang sampal mula sa kaniya. Gulat na gulat ako dahil iyon ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Natigilan din siya sa nagawa, ngunit panadalian lamang iyon. Sa huli, nagtagumpay siya sa gustong gawin. Paulit-ulit niya akong inangkin sa iba't-ibang parte ng kaniyang opisina.

Pagod na pagod ang buong katawan ko. Nananakit din ang maseselang bahagi ng katawan ko, ngunit hindi pa siya tapos sa akin.

Marahas niya akong hinila at dinala sa kaniyang kwarto. Tinulak niya ako papasok ng banyo at pwersang pinaliguan. Walang bahid ng respeto ang bawat paghimod at himas niya sa aking katawan. Nandidiri ako pero hinang-hina na ako para lumaban pa. Sa huli, hinayaan ko siya sa mga gusto niyang gawin sa katawan ko. Tutal, wala rin naman akong kalaban-laban sa kaniya.

Huminto ang lagaslas ng shower mula sa kaniyang bathroom. Gusto ko sanang magtulug-tulugan ngunit tuluyan ng nakalabas si Khale mula sa banyo. May nakatapis na towel sa kaniyang bewang. Tumutulo pa ang tubig mula sa kaniyang buhok pababa sa kaniyang dibdib.

Nagtama ang paningin naming dalawa ngunit ako ang unang umiwas. Natatakot akong titigan siya. Natatakot ako sa mga pwede niyang gawin sa akin. Hindi ko inakalang aabot kami sa ganito. Na pagbubuhatan niya ako ng kamay kapag hindi ako sumunod sa gusto niya. Nakakatakot siya. Ibang-iba na talaga siya sa Khale na mapagmahal sa akin.

Naramdaman ko ang paglubog ng kamang kinauupuan ko. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong umupo si Khale sa likuran ko. Naramdaman ko ang paggapang ng kaniyang kamay sa aking balikat pababa sa aking braso. Humigpit ang hawak ko sa kumot na nakatakip sa aking katawan.

Napapikit ako noong maramdaman ang init ng kaniyang katawan sa aking likuran. Ang labi niya'y nagsimulang gumalaw sa aking leeg. Ramdam ko ang mainit niyang hininga lalo na noong bumaba papunta sa aking balikat ang kaniyang labi.

Napakagat ako sa aking labi. Galit ako dahil sa ginawa niya sa akin kagabi. Pero, naiinis ako dahil hindi ko man lang siya kayang patigilin. Tila nagugustuhan ko ang mabibini niyang halik na ginagawad sa aking leeg patungo sa aking balikat. Kabaliktaran sa halik na ginawad niya sa akin kagabi. Ang bawat halik niya kagabi ay mapupusok at puno ng galit. Ibang-iba sa halik na ginagawad niya sa akin ngayon.

"Khale..." sambit ko na nagtunog ungol.

Mahina niyang tinapik ang kamay kong nakahawak sa kumot. Tuluyang nalaglag ang kumot na tumatakip sa aking katawan. Lumantad ang kahubaran ko sa kaniya.

Pleasuring Him [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon