CHAPTER 58: TEMPORARY

4.7K 245 172
                                    

"Tara photoshoot."


Isang yaya ko lang kay Tao, dali dali siyang bumangon sa higaan niya't tumungo sa kwarto para magpalit ng damit. Matagal na niyang request to' and today feels a good time to shoot pictures outside. Before zombie hunting, photography is my hobby. My way of comfort and distraction from everything. For now, I want a good break. Kahit saglit lang.


Pagkasikat ng araw, nag photo shoot nga kami ni Tao sa kalye. Umabot na kami sa kabilang kalye. Di kasi siya nawawalan ng mga poses. In fairness rin kasi ang model material ni Tao as if he's used to being photographed.


I had fun taking photos of him, as well. Namiss ko to. Kahit papano'y nawala muna saglit sa isip ko yung mga nakaraang nangyari't mga problema.


"Omo, this one's nice! Everything is." he gasped in awe as he checked the shots. "I really look nice in every shot."


"Edi ikaw na gwapo." kantyaw ko na may kasamang irap. Panay bulong niya na ang gwapo daw talaga niya. "Rumaraket ka dati sa mga modeling jobs noh?"


Napatigil siya sa ginagawa at napatingin siya sa akin. Tinanggal niya shades niya't tinignan ako ng hindi makapaniwala. "Bakit ganyan ka makatingin?"


"Seriously Noona?"


"Seriously ka rin!"


All of the sudden, he cupped both of my cheeks and aggressively pulled my face near his. "Noona, be honest to me. Ok?"


"Are you really sure you haven't seen this very very very handsome face of mine before?" tanong niya habang duling na duling na ako sa lapit ng mga eye bags niya sa akin.


"Ehem!" may narinig kaming umubo bago ako itinulak ni Tao palayo. Sumakit pisngi ko dun ah!


"Sehun? What are you doing out here?"


"What are you two doing out here?" pagbalik niya ng tanong habang nakataas ang isang kilay. Ang taray! Nakita niya yung camera ko na nagpangisi sa kanya. "You had a photoshoot without me?"


Napakatampuhin na bata talaga. Bago pa man din niya ituloy ang pag eemote niya, I lifted the camera and playfully clicked the shutter button, stealing shots of Sehun's unprepared derp face. Hinabol habol niya tuloy ako para kunin sa akin ang camera.


"SEHUN! SEHUN!"


Akala ko namali lang ako sa boses na narinig. Pero sa hindi kapani paniwalang pagkakataon, nasa labas siya ng bahay. Para siyang may tinatakbuhan na multo o zombie kahit wala namang  nakasunod sa kanya kundi hangin.


He almost collapsed in front of us, soaked in sweat, panting and trying to catch his breath. I can't believe na tatlong kanto ang layo niya ngayon sa bahay. Isang himala.


Once he was able to speak, he nagged at Sehun. Kesyo bakit daw siya iniwanan. Umagang umaga, putak nanaman nang putak. Tinawan tawanan lang siya ni Sehun habang hingal na hingal pa rin ang maldita. Saan ba kasi sila galing?

Survival with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon