CHAPTER 22: TROLL BROTHERS

5.3K 265 103
                                    

"DON'T EVER COME BACK! LECHE!"


Gigil na gigil na sigaw ni Jana bago niya pabalibag na sinara ang pinto ng bahay. Galit na galit siya. Gusto na niyang pumatay on the spot.


"Wait! Noona! Please don't be like this." as usual, Chanyeol was the first one to beg as he knocked on the door.


"Don't leave us here." Tao cried out, ayaw na niyang bumalik sa labas kung saan wala silang mapupuntahan.


"C'mon Noona. We're only joking!" hirit ni Jongdae na nagpipigil pa rin ng tawa.


Pakiramdan ni Jana masisira na yung pinto dahil sa pagkalampag nila dito. Kung pwede lang sana ay ihatid niya yung dose sa mismong Korea para wala nang aabala sa kanya. Nang buksan niya yung pinto, napatigil silang lahat.


Ilang segundo pang nakipagtitigan si Jana sa kanila, they slowly smiled at her. Akala nila nagbago na ang isip ni Jana, akala nila hindi na galit si Jana, akala nila nakumbinsi nila muli si Jana ... pero akala lang nila yun. Binuksan niya lang yung pinto para ibato sa kanila yung wushu stick ni Tao at toy plushie ni Yifan.


"I don't need fucking wolves here!" she yelled next to the loud slam of the door. Asar na asar talaga siya.


Kinandado niya ng mabuti ang lahat ng pinto at tinakpan ng kurtina ang mga bintana. Punung puno na siya sa mga lalakeng to. Nagsuot siya ng earphones para hindi marinig ang mga sigaw nila sa labas. Wala ng pake si Jana kung may dumating man na zombies, basta siya, ligtas siya dito sa loob ng bahay.


Badtrip na badtrip siya pagkatapos mapag tripan ng dose. Ang inggay inggay nila, feel at home masyado, kakaiba ang mga trip. Siya ang may ari ng bahay na to' kaya may karapatan siyang palayasin sila.


"Hindi naman sa sinasabi kong feeling close sila pero tngna mahiya naman sana sila kahit papano, hindi yung kinakaya nila ako. Kakapal ng mukha. Alam kong joke lang na wolves sila pero sobrang badtrip talaga. Bwisit talaga sila Kitty! Argh!" nilalabasan niya ng sama ng loob ang plushie na nakaupo sa tabi ng lababo habang naghuhugas ng pinggan.


"Kamukha ko ba si Bella?! Ha?!" she grumbled at the thought of vampires and werewolves. Hindi pa nga siya nakaka get over sa panaginip niya sabay dumagdag agad ang wolf joke. Hindi siya makapaniwala na sa gitna ng apocalypse, nakuha pa rin nilang tumawa ng malakas.


"Parang pinakain ng puke ng baboy sa sobrang daldal. Kalalakeng tao, ang inggay inggay!" she yelled in frustration.


flashback;


"Wolf?" nagtatakang tanong ni Jana sa kanila, may mga luha na sa gilid ng mga mata niya and she terribly felt ashamed for that.


There was a moment of intense silence before they all bursted into laughter as they sang and danced. "Geurae wolf! Naega wolf! Awoooo~"


Tumawa sila nang tumawa na parang wala ng bukas. May mga gumulong gulong pa sa lapag habang hawak ang tiyan - malamang ang beagle line Chanyeol, Baekhyun and Jongdae. While Jana looked like what every Wow Mali victim, nagtataka't nakatanga sa mga nangyari.

Survival with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon