CHAPTER 16: FEEL AT HOME

5.5K 274 30
                                    

After few hours, daylight replaced the stars. I found myself waking up to the noise of crows, there were flying across the morning sky. Hindi ko na namalayang nakatulog ako dito sa balkonahe, dito sa upuan kaya ngawit na ngawit yung leeg ko.


Nag inat inat ako ng braso't dahan dahang ginalaw ang ulo ko. Ang sakit ng batok ko. Laking pagtataka ko nang makitang may nakabalot na sa akin na kumot.


I went downstairs as I grasped the nape of my neck in pain. I reached the living room still filled with snores. Wow, wala pa ring may gising sa kanila. Alas otso na kaya ng umaga. Ano sila?! Mga bakasyonista?!


Pagkatanggal ko ng mga itim na kurtina, lumiwanag na ang buong sala kasabay ng kabilaang reklamo nila dahil sa sobrang silaw. Their snores became irritated moans. Mula sa pwesto ko, nakita ko kung gaano sila kalikot matulog. Wala na sa mga dati nilang pwesto, nasa semento na halos yung iba. May kayakap na rin yung iba. What a mess.


"Hoy! Wake up! Ano kayo, mga bakasyonista? Gising na!" tinapik tapik ko yung paa ni Chanyeol pero nagtalukbong lang siya ng kumot. Wow talaga, ang aga naman nilang mambadtrip.


"Wake up! Wag nga kayong feel at home masyado!" I yelled as I started pulling out their blankets. Pero agad akong nagsisisi pagkatapos tanggalin ang mga nakakumot sa kanila.


For that very early in the morning, my naked eyes saw drips of saliva, messy hair, boxers and abs!!!


Kumot, lamunin mo na ako please.

××××

That lunch, hindi na ako naubusan ng pagkain. Buti naman. Pinagsabihan ko na rin sila na wag silang masyadong maging komportable dito sa bahay. Wag feel at home masyado.


After lunch, kami ni Baozi ang nagligpit ng mga pinagkainan. Kami kasi ang natalo sa rock, paper and scissors. Ganoon daw parati ang gagawin sa bawat gawaing bahay. Sobrang wow!


"NOONA YAAAAA!"


Habang nabibingi ako sa naka silent na katabi kong si Baozi, nagulantang ako sa isang sigaw. Lintek na, malamang si Park Chanyeol na naman yun. Muntik ko ng mabitawan yung plato dahil sa gulat.


"I'll be back, may sasapakin lang ako." I told Baozi while washing my hands.


"It's okay, Noona. I can manage." he said before I went running off the kitchen. Iniwan ko na sa kanya yung mga ligpitin.


"Ay punyatera kang bakla ka!"


Hindi ko na napigilan yung bibig ko dahil sa gulat, nakabunguan ko kasi si ano - si Luhan! Literal talaga akong tumalsik, walang halong joke. Punyemas, papatayin ko siya pag nagka breast cancer ako.


"Sorry, Noona." tinulungan akong tumayo ni Sehun, naglalaro daw kasi sila ng habulan. Can you believe that? Kailan pa naging playground tong' bahay namin? Aawayin ko pa sana yung Luhan nang magtakbuhan na naman silang dalawa. Napakagaling nga naman talaga oh.


"Jagiya, protect me from him!"


Hindi pa man din ako nakakaalis sa pwesto ko, may nakita ulit akong tumatakbo. Si Bacon. Nagtago siya sa likod ko. Ako naman tong' hindi alam ang gagawin nang lumapit sa amin si Kyungsoo. Nakakatakot yung poker face niya!


Hinila niya si Bacon na nayakap sa likod ko. Potek, dinamay pa talaga ako, ayaw akong bitawan ni Bacon kaya nasasama ako. Hanggang sa tumulong na si Jongdae sa paghila kay Bacon. Napafacepalm na lang ako sa kabila ng mga isip batang nandito. Para silang mga batang hindi nakaranas ng childhood.


Chanyeol went yelling my name again. Pero pagdating ko sa sala, muntik na naman akong madisgrasya. Buti na lang nakailag ako.


"SA-SAAN MO NAKUHA YAN?!"


Napanganga ako sa gulat dahil sa hawak hawak ni Tao. Yung mukhang panda nasa kanya na yung wushu stick! Yan yung stick na nakita ko kahapon! Sa kanya daw yon. Pero takte naman, bakit dito siya nage-exhibition sa sala?! Seriously, nakakatakot na yung mga tao dito!


Nginitian lang ako ni Tao dahil wala naman siyang naintindihan sa tanong ko. Pinagsabihan ko siyang tigilan na niya yung trip niya bago tumakbo papunta kay Chanyeol sa banyo.


"Noona, can I use this toothbrush?" Chanyeol asked with his brightest smile pagkarating ko sa harap niya. Taragis, akala ko kung ano na nangyari dito. Bakit kasi kailangan pa niyang sumigaw?!


"Happy now?" abot ko sa kanya ng bagong toothbrush mula sa shelf. Sa Kuya ko kasi yung hawak niya.


"I really can't wait." he said out of the blue.


"Can't wait what?" I furrowed my brows.


"To see you smile again." he said and smiled - a smile not creepy nor derp, but a perfect one enough to dumbstruck me. Luh, paano ako ngingiti kung nagmistulang kindergarten playground ang bahay namin????


Hindi ko na rin halos maalala kung kelan ba ako huling ngumiti ngayong apocalypse, madalas lang yun mangyari kapag may nakikita akong stocks o kapag natatakasan ko ang isang katerbang zombies.


Since I met these jerks, evil smiles and smirks were the only things I showed them. Pero yung ngiti ng totoong saya talaga, I have no idea when it will happen again.


Pagkabalik ko sa sarili, lumayas na ako sa harap ni Chanyeol. Damn, kinilabutan ako sa sinabi niya.


"Waaah!"


Pagkatapos kong maligo, napairap agad ako dahil sa narinig ko. Pagkalabas ko pa lang ng banyo, may sumisigaw na sa labas. Nyeta, bahala na sila sa buhay nila. Hindi ko na kasalanan pag dumating ang mga zombies.


Ilang beses ko na silang sinabihan na wag mainggay pero ayaw pa rin nilang tumigil.


"Ahhh! Duwa juseyo! Ahhh! Jebal! Jebal!"


Napatigil ako sa pagkuskos ng towel sa buhok ko. It was Tao's screams. Ano daw sabi? Bakit ba ang hilig nilang sumigaw? Teka, nasaan ba sila. Lumabas ako ng kwarto pero pagtingin ko, wala ng tao! Ako lang ang nandito sa loob. (help please. please.)


"Noona! Help us! Ahhh!"


I threw my towel away after hearing groans of the dead coupled with their yelps. Parang magkakagulo na sa labas. Ugh, what is it this time?!

Itutuloy....

××××

Survival with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon