CHAPTER 20: PEACE

5.3K 281 57
                                    

"Waaaaaaaag!"


Pagkabangon ko mula sa higaan, para na akong mababaliw sa sobrang hingal. I was grasping my own neck and begging for air. Mas mabilis ang kabog ng puso ko. Kung may asthma siguro ako, patay na ako ngayon.


"Pa-panaginip ulit?" I asked between my panting breaths. Nakita ko ang paligid, nandito ako sa loob ng kwarto ko.


Naka pajamas pa rin ako't hindi naka white dress tulad sa bangungot ko. Kinapa kapa ko rin ang leeg ko, walang kagat at dugo. Naliligo ako sa pawis at mugto rin yung mata ko sa pag iyak. Wala pa ring kalma yung puso ko. Bakit ganon yung panaginip ko?!


Yung doseng lalakeng pinatuloy ko dito sa bahay, hindi nga sila infected ng virus, mga bampira naman daw sila.


Mas maiintindihin ko pa sana kung mga tunay na bading sila, ayos lang sa akin. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko, klarong klaro pa sa isip ko yung mga nangyari sa panaginip. Ngayon ko lang to' naranasan, nasa dibdib ko pa rin ang takot.


Natatakot ako kasi baka isa palang babala itong panaginip na to. Paano kung may mga masama nga talaga silang balak sa akin? Paano kung ite-take advantage nila itong pagtulong ko sa kanila? Paano kung tatraydurin pala talaga nila ako? Paano kung hindi naman talaga sila mapagkakatiwalaan?


Oo, paranoid na kung paranoid. Natatakot lang akong matraydor ulit.


Natatakot ako na baka mali na naman yung mga pinagkatiwalaan ako.


Natatakot ako sa magiging kalabasan ng maling desisyon ko.


I slumped back to bed with my palm on my face. Baka nagpapadala lang ako sa panaginip ko. Kung bakit kasi puro horror yung pinanood namin. Ugh. Laking pasasalamat ko na lang na nagising pa ako. Isang mahabang bangungot lang din kaya ang lahat?


I really hope the world is still not ending.


"Another nightmare?"


Biglang may ulong sumulpot mula sa gilid ng kama ko na siyang literal nagpatalon sa akin pagkatapos hablutin ang baril ko. May kasama ako dito sa kwarto!


"A-ANONG GINAGAWA MO-what the hell are you doing here?" pasigaw na sana ako ng hinaan ko agad ang boses ko't ginawang english ang tanong ko. Napatalon talaga ako papuntang switch ng ilaw.


May damit pa naman akong suot pero napayakap pa rin ako sa katawan ko. Naiiyak na naman ako. Bakit nandito sa lapag ng kwarto ko si Jongin? Kailangan pa siya naglatag ng higaan dito?!


Bumalik lang siya sa pagkakahiga't kinumutan pa ang sarili niya. What the hell is this? I groaned to myself as I pulled my own hair. Hindi pa nga ako nakaka get over mula sa panaginip ko, dumagdag agad siya.


"I didn't do anything to you." he murmured with a sleepy voice.


Survival with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon