CHAPTER 6: TRUST

7.2K 347 54
                                    

I snapped wide awake to an ear piercing scream. Followed by a gunshot, it instantly made me sit upright. Nasa loob ako ng kwarto ko. Umaga na. Hiningal hingal sa hindi ko malaman na rason.

In my dream, I was holding a shotgun. Nasa gubat daw ako't tumatakbo. May humahabol daw sa akin pero hindi ko masyado naanigan.

I stayed on bed a little longer, waiting for my breath to pace normal as my dream replayed in my head. Bago umalis ng kama, chineck ko ang phone ko. 9:12am. Wednesday.

One message. Mula kay Felix. Kapitbahay namin na kababata ko rin.

Stay inside.

Ano to? Bakit ako ini-english ng mokong na to? Wrong send lang siguro. Hindi ko na lang pinansin ang text niya.

Sa pinto ng ref, may apat na sticky notes na tumambad sa akin.

7pm pa uwi ni Papa kasi may faculty meeting sila. 8pm naman uwi ni Mama, may dinner party ang buong accounting admin. Si Kuya Art kong nagtatrabahong nurse ay magoovertime hanggang 11. Si Kuya Ace hanggang 6pm lang ang duty sa chinese restaurant.

At ako naman, 6pm pa ang klase ko. College na ako. Accountancy. Actually, graduating na within two weeks. Yes, konting kembot na lang.

Kumain ako ng cereal sa sala, habang nanonood sa Star Movies. Tsaka naman nawalan ng reception. Baka may inaayos lang na poste sa labas.

Nag surf na lang ako sa twitter. Laking pagtataka ko na lang nang puro "Stay safe, guys" ang nakikita ko sa timeline. Wag daw sana malala. May bagyo bang paparating?

Paglabas ko ng bahay, makulimlim nga sa labas. Nagdala na ako ng payong para sigurado. Pupunta ako kanila Robin, yung beking bestfriend ko. Dalawang kanto lang naman mula sa amin yung bahay nila.

Napapayakap ako sa sarili ko habang naglalakad. Kakaiba yung simoy ng hangin ngayon tapos walang katao tao sa kalye, kahit aso man lang wala akong nakasalubong.

Sa hindi kalayuan, nakita ko ang pamilya Ferrer. Madaling madali silang naghahakot ng mga gamit papasok sa van nila. Ganon ba talaga kalala ang paparating na bagyo para mag evacuate agad sila? Hindi na lang ako nagtanong at nagmadali nang maglakad.

Sa kanto, may naanigan akong nakahandusay sa daan. Pagtakbo ko papalapit sa kanya. Si Aling Yolly pala! Wala siyang malay.

"Aling Yolly!" putlang putla ang mukha ng matanda. Mas nagpanic ako nang makitang duguan ang tagiliran niya.

"Mga kapitbahay! Saklolo po! Saklolo!" paghingi ko ng tulong. Ni tricycle walang dumaan. Dali dali kong kinuha ang phone ko para tumawag ng ambulansya.

Nakadial na ako nang humigit sa braso ko ang matanda. May malay na siya't nakatingin sa akin.

"Aling Yolly, kaya nyo pa po bang tumayo? Dadalhin ko kayo sa ospital." ani ko sa kanya. Hindi ako nakatanggap ng sagot. Humigpit ang pagkakahigit niya sa akin at nanlisik na lang ang mga mata niya.

"Aling Yolly, nasasaktan po ako!" angil ko, pilit siyang nilalabanan nang pilit niyang inaabot ang mukha ko. Hindi mapalagay yung bibig niya na tila isdang uhaw. Parang gusto niya akong sakmalin.

Nabingi na lang ako after a blast of a gun shot. Sobrang lakas at sobrang biglaan, I felt like I stopped breathing. Pakiramdam ko ako ang binaril pero nang lingunin ko ang matanda, nanghina ang buong kalamnan ko.

"Diba sabi ko wag kang lalabas?!" natauhan lang ako nang may humigit sa akin patayo. Si Felix. Hindi ako makatayo nang maayos at mas lalo na nang makita ko ang hawak hawak niyang baril. Siya? Bakit?

Survival with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon