CHAPTER 14: OUR NOONA

6K 291 65
                                    

For the whole afternoon, nagkulong lang ako sa kwarto ko. Buti na lang may mga stocks ng pagkain sa ilalim ng kama ko kaya hindi ako gugutumin dito.


Nagsuot ako ng earphones at nag soundtrip para hindi marinig yung mga kumakatok sa pinto. Natulog na lang ako maghapon kahit niyayaya nila akong makipag 'socialize' sa kanila. Seriously? In the middle of zombieland?


I'm sorry but I'm not sociable. I only want to survive. I'm not here to make new friends. I'm here to look for my family.


That's why, hindi ko rin alam kung bakit ko pa pinayagan tong' dose na pumasok sa survival ko kung wala rin naman akong oras para pakisamahan sila.


"Aha! Success!"


Nagising na lang ako pagkatapos bumukas yung pinto. What the! Nakapasok si Chanyeol, may hawak na susi at may suot na ngiting tagumpay. Ang pasaway talaga kahit kailan!


"Sa-saan mo nakuha yang susi?! Tsaka diba sabi ko bawal kayo sa kwarto ko?!" dakdak ko sa kanya pero hinigit niya ako paalis ng kama, palabas ng kwarto. Dinala niya ako sa sala kung nasaan silang lahat. Mura agad ang bati ko sa kanila pagkatapos makitang madilim na sa labas.


"You didn't put the curtains back?! Ano ba naman kayo!" nagmamadali kong tinakpan ng itim na kurtina yung mga bintana. They did the rest. Pasado alas otso na pala ng gabi't hinayaan lang nilang ganito ang mga bintana.


Sinilip ko yung labas mula sa balcony gamit ang binoculars ko. Thankfully, the coast was still clear. Tahimik sa labas. Wala namang naligaw na zombie sa kabila ng inggay ng mga inampon ko. Buti na lang.


"Noona! Play with us for awhile." pabalik na sana ako ng kwarto pero nahuli na naman ako ni Chanyeol. Dinala niya ako sa sala. Hindi na ako nakapalag pa't umupo na lang kasama silang lahat sa lapag. Magkwentuhan daw kami.


"I'm not a story teller. So, goodnight." ayoko talaga sa totoo lang, hindi ako interesado sa storya ng buhay ng kahit sino. Akmang patayo na ako pero hinila nung malaki ang cheebones yung braso ko. Hayop, muntik na akong mangudngud!


"Come on, Noona. Stop being too sassy. Just for awhile, let's be normal citizens who only want to hang out." tinaas taasan niya ako ng kilay pagkatapos.


"Just be you, the person you were before this everything." their words totally hit me. Napatigil ako saglit tsaka napaisip. Aminado naman ako na hindi talaga ako ganito, binago ako ng kusa ng apocalypse na to.


They told me to be just me. Just for tonight. Well, I'm really a silent type kaya sa kabila ng mga kwento nila, tahimik lang akong nakinig. Isinantabi ko muna ang survivor self ko na cold, strict, bitch at ruthless. Maybe it wouldn't be bad kung maki-go with the flow na lang muna ako.


"Noona, you go ask us. Anything you're curious about." said Chanyeol pagkatapos magkwento ni Sehun tungkol sa mga bubble tea. Ako naman daw, magtanong daw ako ng kahit ano. Hindi ko naman maikakailang may gusto rin akong itanong sa kanila.

Survival with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon