CHAPTER 15: THEIR STARS

6.1K 301 110
                                    

Two in the morning and I'm still wide awake. Kanina pa ako pagulung gulong dito sa kama, hindi pa rin dinadalaw ng antok. Kaninang alas onse ko pa iniwan yung mga tao sa sala pero gising pa rin ako hanggang ngayon. Parang ako pa yung namamahay o sadyang madami lang akong iniisip - still couldn't help but doubt my decisions.


I froze on my spot when I heard a noise. May nagbubukas ng pinto ko! Shit, hindi ko na-lock yung pinto?! Leche, kinuha ko na yung susi kay Chanyeol ah!


"Hyung, be careful. Don't wake her up." a whispering voice totally alarmed me, nagsimula na akong magmura sa isip ko. Dahil madilim sa kwarto, hindi ko na mawari kung sino ang nagsalita, pati itong papasok ng kwarto ko. Oh God, papatayin kita kung sino ka man!


As I felt someone's presence inside the same room, I carefully reached for the hand gun under my pillow. Malamang, isa to' sa kanila na leche may balak nga talagang masama!


I knew it! I should not have trusted them. Wala talaga silang utang na loob, hindi ako makapaniwalang tama talaga ang hinala ko. Damn it, sabi ko na nga ba Jana e, ang tanga tanga mo talaga!


After few seconds of nervous heartbeats, naramdaman kong may pumatong sa kama. Sht talaga! Nagtulog tulugan ako kahit deep inside ay gusto ko nang iputok yung baril. Sino ba kasi to?! Anong binabalak niya?!


He started crawling slowly above my bed. Dahan dahan. Papalapit sa akin. Palakas ng palakas yung kabog ng dibdib ko. Pahigpit ng pahipit yung hawak ko sa baril. Ugh, Jana, patayin mo na! Bilis!


Nastatwa na lang ako nang may tumapik sa pisngi. Pakiramdam ko may tao na sa itaas ko pero hindi ko nararamdaman ang bigat ng kung anuman. Hindi ko alam kung gagawin ko na ba, kung papaputukin ko na ba yung baril sa bungo niya. Wala na talagang mapagkakatiwalaan sa mundong to!


"Luhan hyung, palli palli." A voice from the door echoed, setting my whole body system into fire. Ano?! Tama ba yung narinig ko?! Si Luhan?! (hurry)


"Chakaman." I heard a voice above me. Si Luhan nga talaga tong' pumasok sa kwarto ko?! Yung malditang feeling manly?! Bakit siya pumasok sa kwarto ko?! (wait)


Kokonprontahin ko na sana sila nang maramdaman kong may maingat na umaagaw sa yakap yakap ng isang braso ko. My stuffed toy! Kinukuha niya si Kitty! Seryoso ba to?


After taking it from me, he jumped off the bed and left the room as fast as he could. Then I was left there, completely dumbfounded. Was that for real?

- - -

Few minutes after that unbelievable scenario, I stepped out of my room. Hindi pa rin maka get over sa ginawa ni Luhan. Bakit niya kinuha yung Hello Kitty ko?! Gumapang gapang pa siya kama para lang sa isang stuffed toy, pasalamat siya hindi ko siya napatay.


As I reached our crowded living room, the snores became louder. May mga maliliit na lampshade sa paligid kaya nakita ko kung gaano sila kahimbing matulog. Nakahilera sila dito sa sala, magkakatabi sa lapag.


Hindi ko sila pinatulog sa mga bakanteng kwarto dahil hindi pa buo ang tiwala ko sa kanila. Magpasalamat na lang sila na ligtas ngayon sa tinutulugan nila.

Survival with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon