SIMULA

5.7K 95 6
                                    

Amel's Point Of View:

Masaya lang kaming kumakain sa isang karenderya ni Leah Montenegro my bestfriend hindi kami mayaman o mahirap iyong sakto lang, hindi ko naman hinahangad na maging mayaman kontento na ako sa ano man ang mayroon ako.

Meron akong boyfriend na si Cedrick Salazar mayaman siya kaya mahigpit kapag kami ay magkasama, ayaw na ayaw ng pamilya niya sa akin dahil ako daw ay isang gold digger.

Masakit ang mga salita na binigay ng mga magulang ni Cedrick na iintindihan ko rin dahil nasa mayaman silang pamilya, hinahangad ko na sana ay tanggapin nila ako.

''Malalim na naman ba ang iniisip mo Amel?'' biglang tanong ni Leah habang ito ay kumakain.

''Wala, sige na kumain kana mamaya nalang ako.'' hindi sa gusto ko ng pagkain dahil wala talaga akong gana kumain ngayon minsan nakakaramdam ako ng hilo.

''Masakit parin ba ang ulo mo?'' may halong pag-alalang sambit ni Leah.

''Oo, siguro mawawala din ito, malakas kaya ako.'' natatawang sambit dahilan para mapatawa din siya.

''Ikaw talaga Amel, uminom ka na ba ng gamot?'' patuloy parin siya sa pag nguyang pakain.

''Oo uminom na ako, punta lang ako ng banyo nasusuka ako.'' mabilis akong tumakbo papunta sa banyo ng karenderyang ito.

Lumabas ako at tinignan ang paligid na parang umikot pero pumikit lang ako pagdilat ko ay nawala ang pagkahilo ko.

Pupunta na sana ako sa dereksyon ni Leah ng maramdaman ko na tumunog ang cellphone na nasa shoulder bag.

Tinignan ko ang sinong tumawag si Cedrick.

''Hello Love?'' sagot ko sa kabilang linya pero sigaw ang narinig ko.

''Si Nathan ito Ate Amel si Kuya Cedrick nasa ospital na aksidente.'' nabitawan ko ang cellphone na nakatapat sa tenga ko.

Kinuha ko ang cellphone na hulog at huminga ng malalim.

''Saang ospital?'' na u-utal kong sambit, hindi ko mapigilan ang maluha.

Pinuntahan ko si Leah na kakatapos kumain gusto kong sabihin sa kaniya ang nangyari kay Cedrick gusto kong puntahan siya kong ano ang lagay niya ngayon.

''Oh Amel bakit namumutla ka? may nangyari ba?'' may halong pag-aalang sambit niya at hinawakan ang mga palad ko.

''Si Cedrick, na aksedente.'' ramdam ko ang bagsibagsakan ng aking mga luha.

''Nasa ospital ba siya? saang ospital?'' hinila ko si Leah papalabas ng karenderya at naghanap ng masasakyan.

Kapag nag jeep pa kami ay lalong tatagal kaya mag t-taxi nalang kami.

''Taxi!'' sigaw ko ng makita ang isang taxi na paparating sa amin.

''Saan po tayo mga Ma'am?'' sambit ng driver ng kami ay nakasakay na.

''Sa Yan Vale Hospital po.'' mabilis kong sagot ramdam ko na nagsimula ng umandar ang Taxi.

Hindi ako mapakali dahil sa sinabi ni Nathan anong klaseng asedente ang nangyari kay Cedrick? kinakabahan ako.

''Amel nandito na tayo.'' sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa ospital.
Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon hindi ko maintindihan.

''Magtatanong lang po kami Nurse? may patient po bang pangalan na Cedrick Salazar?'' si Leah na ang nagtanong dahil hindi ako makapagsalita dahil sa panginginig ng aking katawan.

''Wait lang po check ko lang po Ma'am.'' sambit ng nurse at may kong anong tinignan sa computer.

''Meron po Ma'am, nasa Room 345 sa 4th floor.'' sambit ng nurse pero bago kami umalis ay nagsalita ang nurse.

''Ka ano-ano niyo po pala si Mr. Cedrick Salazar Ma'am?'' hanggang dito ba naman? girlfriend niya ako at alam kong kailangan niya din ako.

''Girlfriend ho.'' sambit ko at tuluyan ng umalis nakita ko pa ang nurse na napakamot sa ulo.

Sumakay na kami ng elevator at pinindot ang 4th floor, ilang minuto anag nakalipas ang huminto ang elevator kasabay ng pagbukas nito.

''Amel diba Room 345 iyon? ayon ba?'' tinuro ni Leah ang pinto na may naka sulat na Room 345.

Bigla ko nalang binuksan ang pinto ng hindi kumakatok, lahat sila ay nakatingin sa akin pero tinignan ko si Cedrick na tumingin din sa akin.

Tumakbo ako sa kaniya at hinawakan ang mga kamay hindi ko na siya niyakap subalit baka masakit pa ang natamo niya.

''Who are you?'' halos manlambot ang buong katawan ko ng sabihin niya ang salitang iyon. Hindi niya ako kilala?

''Ako ito si Amel girlfriend mo wala kabang na ala-ala?'' tinignan ko siya pero halatang naguguluhan siya.

''Hindi, hindi kita kilala, Scarlet is my girlfriend.'' tinignan niya ang babae na naka upo sa gilid niya, si Scarlet akala ko ba ayaw ni Cedrick sa kaniya?

''Ako ang girlfriend mo Cedrick, hindi mo ba na alala na iyong mga masayang pagsasama natin?'' bumagsak muli ang aking mga luha nanginginig ang aking mga labi pero parang wala lang sa kaniya.

Blanko lang ang kaniyang reaksyon na ikinadurog ng aking puso.

''Stop that Amel! alam naman nating lahat na hindi ka mahal ng anak ko, ano ba ang kailangan mo pera? bibigyan kita kaya please Amel! tigilan mo na ang anak ko.'' bigla nalang akong hinawakan ng kung sino at inilayo mula kay Cedrick napa upo ako ng mapagtanto na bumagsak pala ako.

Nagulat nalang ako ng may kung anong hinagis sa aking pagmumukha.

Alam ko, mahal ako ni Cedrick nararamdaman ko iyon hindi mapapantayan ang pera ang pag mamahal.

''Ma'am Anastasia, nag mamahalan po kami ni Cedrick at hindi po pera ang gusto ko kundi ang anak ninyo.'' magalang na pagkakasabi ko pero tinaasan lang ako ng isang kilay ni Ma'am Anastasia.

Kahit gustuhin ko s'yang saktan pero 'di ko kaya.

''Then, patunayan mo Cedrick do you love this gold digger girl?'' sambit niya kay Cedrick na masamang naka tingin sa akin.

''No.'' malamig niyang sambit at tumingin sa akin.

''I love Scarlet.'' tinignan niya si Scarlet na may ngiti sa labi, nagtungo si Scarlet sa derksyon ni Cedrick.

Parang nadurog ng pino ang puso ko ng makita ang mahal kung kahalikan ang babaeng kinaiinisan ko.

Bakit nangyayari sa akin 'to? Ako 'yung girlfriend niya!

Mabilis akong umalis kanilang harapan hindi ko kayang makita sila ulit subrang sakit.

''Ate Amel!'' ramdam ko ang isang sigaw walang iba kundi ang kapatid ni Cedrick si
Nathan.

''Bakit ganon Nathan? bakit hindi ako ma-alala ni Cedrick?'' napa-upo ako sa tapat ng pinto.

''Ate Amel, si Kuya simula nangyari ang aksedente kahapon.'' nanlaaki ang mga maata ko dahil sa sinabi ni Nathan akala ko ba ay ngayon nangyari?

''Kahapon?'' medyo kalakasan ang boses ko nakita ko pa ang pagyuko ng kaniyang ulo.

''Ate Amel, balak sana kitang tawagan kahapon kaso pinangbantaan ako ni Mommy na may gagawin siyang masama sa iyo kapag sinabihan kita tungkol kay Kuya, pero hindi ko kaya na makalimutan ka ni Kuya ng basta-basta.'' mahina niyang sambit at ramdam ko ang mahina niyang iyak.

At ano ang sinabi n'yang? T-ngina si Maam Anastasia ang may pakana.

"Tahan na Nathan, hindi mo kasalanan iyon." hinaplos ko ang kaniyang likod.

Pati ako ay na-iiyak dahil sa nangyari ngayong araw na ito pero nahihilo na naman ako at nasusuka ano ba ang nang yayari sa akin?

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now