KABANATA 6: Delevery Girl

1.9K 48 0
                                    

Amel's Point Of View:

Malapit ko ng ma ubos ang ice cream pero si Leah ay busy parin sa cellphone niya, minsan ay nahuhuli ko siyang naka ngiti.

I smell something love.

"Siyanga pala Amel? Si Ashero na saan? Akala ko ba magkasama kayo?" tinignan ko siya hindi na niya hawak ang kaniyang cellphone.

Tumingin ako sa kaniya, "Ayon nakikipag landian sa girlfriend niya."

Mahina siyang natawa, "Oh bakit ka galit? selos 'yan?" mahina ko siyang hinampas sa balikat.

Tumigil siya sa pagtawa at tinignan ako ng masama.

"Nag s-selos kalang eh, diba sabi mo noon gustong gusto mo si Ashero, umamin ka na kasi segi ka ibibigay talaga kita sa pinsan ko!" tumawa siya kaya napakamot ako sa ulo, sinong pinsan niya?

" iyong sinasabi mo ba noon? Si ano? Sino nga 'yon?" may sinabi siya dati na may pinsan daw siya sa Amerika kahit mukha ay hindi ko pa nakikita.

Ang sabi niya ay matalino at g'wapo ito maraming nagkakagusto pero since birth ay wala itong girlfriend.

"Ah si---" magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

"Sandali lang ha!" tumango lang ako, pumunta siya sa hindi ka layuan. Upang makipag usap sa kaniyang cellphone.

Pilit kong ina-alala ang pangalan na sinabi niyang pinsan niya napa-iling nalang ako dahil sa naisip ko.

Hindi naman ako interesado sa pinsan niya.

"Amel! sorry ha, pinapatawag na kasi ako ni Daddy may problema daw sa companya. Next time nalang tayo mag-usap." tumango lang ako saka ngumiti.

"Ano ka ba! Okay lang segi alis narin ako para maka tulong din ako sa pag b-bake ng cake." gumagawa kasi ako ng cake dahil marami din ang nag o-order ito lang ang aming negosyo ni Mama.

"Segi mag-ingat ka Amel! syanga pala kapag may free time ka bukas gawan mo rin ako ng cake i t-text ko nalang kong ano ang ilalagay." tumango lang ako, "Alis na ako ingat!" umalis na si Leah kaya ako nalang ang naka-upo sa swing.

Tumayo na ako at naghanap ng masasakyan.

Huminto ang isang trysikel sumakay na ako at sinabi ang aking pupuntahan, "dito nalang po kuya salamat po." nakangiti kong sambit at inabot ang pera.

"Ang aga mo naman ata anak." pumasok ako sa bahay namin, na abutan ko si Mama na gumagawa ng cake.

Hinalikan ko muna ang kaniyang pisngi. "Ma, ako na po gumawa." nakangiti kong sambit.

"Pagod ka sa trabaho kayo ako na anak." napa-buntong hininga ako saka umalis sa kinaroroonan ni Mama.

Hindi ko siya mapipilit dahil baka hindi pa magawa ng ma ayos ang cake, kagaya nalang nong dati halos murahin kami ng omerder dahil imbes na barbie 'yong theme naging si Dora.

Pumasok na ako sa aking silid at nagbihis ng pangbahay na damit.

Tinignan ko sa kusina si Mama na nag lalagay ng icing sa isang cake, lima kasi ang cake na lalagyan ni Mama.

"Ma kahit ngayon po tutulong ako sa pag lalagay ng icing." nagmamakaawang sambit ko at niyakap siya ng mahigpit.

Sana naman ito ay gumana.

Lumingon si Mama sa akin at tumawa, ginulo pa ang buhok ko. "o siya ikaw na gumawa dahil, pupunta muna ako sa palengke bibili ng ulam natin." sa wakas.

Tumango lang ako ibinigay ni Mama sa akin ang picture na gagawin ko kaya nagsimula na akong gumawa.

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now