KABANATA 45: BAR

1.5K 38 0
                                    

Amel Rose's Point Of View:

DALAWANG oras na ang lumipas ay naktulog na sina Calix at Astriel natagalan pa kasi ang pagtulog nila dahil nga nag k-kwento pa ako ng bed time story nila.

Pinilit ko rin na matulog pero ayaw ng mga mata kung pumikit kaya umalis ako mula sa kama at lumabas ng silid.

Naabutan ko naman doon si Samantha na may kung anong ginagawa sa kaniyang laptop.

“Ma'am?” tumigil siya sa kaniyang ginagawa at nanlaki ang mga matang tinitignan ako.

Huminga muna ako ng malalim wala naman sigurong masama kung pupunta ako ng BAR?

“Sam, p'wede bang bantayan mo muna ang mga bata? Pupunta lang ako sa BAR magpapalamig lang, don't worry babalik ako ka agad.” tumango lang siya at may kung anong kinuha sa desk.

Alam kung walang alak dito si Samantha kasi 'di naman siya umiinom kaya sa BAR nalang keysa makita ng mga anak ko na umiinom ako right?

Magpapalamig muna ako ng utak.

“Here Maam Rose, a key if ever na late kang uuwi.” natawa nalang ako ng sabihin 'yon ni Samantha iinom lang ako ng isang baso then aalis na ako.

Pero paano kung late na akong umuwi at naparami ako ng inom tapos makikita ng mga anak ko na subrang lasing?

Shutanginang overthink 'yan!

“Sunduin mo nalang ako Sam, kung hindi pa ako umuwi by 12pm.” tumango lang siya na ikinaginhawa ko my problem solved!

Ilang taon narin na hindi ako pumunta ng BAR dahil sa isang trauma na ikinabuo ng dalawa kung kambal!

“Thankyou Sam! I need to go please! Text me kung nagising yung kambal.” kinuha ko ang sling bag ko and wear some light makeup.

Alangan naman para akong shunga na pupunta doon noh, panigurado pagtatawanan lang nila ako.

“Yes ma'am Rose have a nice night!” bago ko sinara ang pinto ay nginitian ko muna si Samantha.

Para akong ewan na sumasayaw papalabas ng condo parang free ako ngayong gabi!

Ito siguro 'yung feeling na hindi kana istress pero bukas another problem nanaman tapos may malaki pa akong problema tungkol kay Cedrick!

Dapat talaga hindi na ako lumalapit sa kaniya eh may Fiance na 'yung tao.

Pagpasok at pagpasok ko palang sa BAR ay amoy na amoy ko ang mga alak at malalakas na tugtog. Tch may mga nagsasayaw pa sa gitna.

Pero BAR nga diba? Ano mo talaga Rose.

“One Tequila please.” sambit ko sa waiter kinuha ko muna ang cellphone na nasa sling bag ko.

Bukas na pala sisimulan 'yung toy industry  kaya dapat maliit lang ang iinomin ko mahirap na baka hindi ako makapasok sa trabaho.

Biglang binigay sa akin ng waiter ang isang cocktail glass na may lamang Tequila.

“Here Ma'am.” kinuha ko ito at agad na ininom naramdaman ko ang likido na dumadaloy sa aking lalamunan medyo mapait din mahina akong napapikit.

Nakaramdam naman ako ng init sa katawan, gags ka talaga Rose? Bakit mo ininom ang isang baso? Dapat diba unti unti lang?

Pero unti-unti din nawala ang init ko sa katawan parang subrang ginhawa matapos iyon. Gusto ko pang uminom.

“Oneee more pleasee!” agad naman ulit akong inabotan ng Tequila bigla ko nalang itong ininom wala akong pake kung ano ang ginagawa ko ngayon.

Feel ko nawala 'yung mga sakit na nararamdaman dito sa letcheng puso! At mga problema!

Napahawak ako bigla sa ulo ko ng maramdamang umiikot ang paningin ko, darn ano ang nangyayari sa akin?

“Ms. Carnel?” isang bulto ng tao ang nakita ko hindi ko maanig ang kaniyang mukha.

Pinilit ko namang tignan siya pero malabo parin pero ang kaniyang boses ay napaka pamilyar.

“Ilan na ang nainom niya?” at doon ko na nakita ang kaniyang mukha pota? Bakit nandito si Cedrick?

Umupo ako ng tuwid at tinignan siya ng masama? Hah! Akala niya ba magagawa niya ang binabalak niya pwes hindi!

Napangisi nalang ako ng may maisip akong kalukuhan, diba kapag nakainom ang isang tao ay magsasabi talaga 'yan ng totoo?

Kung lasingin ko kaya si Cedrick? Nice idea Rose!

“Oh hi Mr. Salazar! Do you want drink some?” nakita ko pang umiling siya tignan natin kung tatanggi ka pa sa sasabihin ko Cedrick.

“Iinomin mo ito or else? Bagsak ang negosyo n'yo?” kita ko naman kung paano manlaki ang mga mata n'ya? Ts hindi siguro niya inaakala na sasabihin ko 'yon.

“F-fine Ms. Carnel.” kinuha n'ya ang inabot kung hard wine na isang inom agad sigurado akong malalasing siya.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siyang umiinom ng alak i want to kiss his argh whatever!

“Do you really love your Fiance?” pagsisimula ko sigurado akong lasing na ito, i need his answer by the way.

“I don't know if I love my Fiance.” literal na nanlaki ang mga mata ko pero kalaunan ay agad na ngumiti.

Hindi mahal hmm?

“Why?” syempre we need to know why she doesn't love his Fiance right?

I'm curious din! Kaya i need to know right now! Arghh.

“Because? in my dreams, may isang babae na i loved the most even nasa panaginip lang... she's the girl na magiging nanay ng mga anak namin... She's the girl I want to be my wife. And i just remember her name is Ame, but i don't any have a clue who she is. If she's real or not.” nanigas naman ako sabihin n'ya iyon hindi ko medyo maintindihan dahil nga lasing narin ito kung magsalita.

Hindi kaya ako yung napapaginipan niya? What if... Rose don't expect too much.

Sa hindi malamang dahilan agad kung hinawakan ang kaniyang mukha.

Nagtama naman ang mga mata namin agad akong napatingin sa labi niyang mapupula.

Dahan-dahan kung inalapit ang aking labi sa kaniyang labi i kissed him sweetly. Pero naramdaman ko nalang ang basa sa aking pisngi dahilan para humiwalay ako ng halik sa kaniya.

"I still love you even though you don't know me anymore." sambit ko pero laking gulat ko ng bigla nalang siyang natumba sa harapan ko.

Lasing na nga siya... Siguro makakalimutan din niya ang ginawa ko.

Mahal na mahal ko siya, pero utak ko na 'yung kuminbinse sa akin na layuan siya.

Pero yung puso ko! Nandito parin ang sakit! Pinipilit kung maging masaya kahit durog na durog na ang puso ko!

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now