KABANATA 8: Upcoming Birthday

1.6K 48 2
                                    

Amel's Point Of View:

Bumitaw ng yakap si Leah sa akin, ginagawa niya dito? "bakit ka pala nandito Amel?" nakangiti niyang sambit.

"Trabaho? ikaw bakit ka nandito?" tinignan niya si Mr. Salazar na nakatingin sa 'min.

"Susukatan daw ako ng designer ng gagawa ng dress ko sa paparating kong kaarawan, si Kuya Ced 'yong pinsan ko." nakangiting sagot niya.

Tinignan ko si Mr. Salazar legit? Pinsan niya si Mr. Salazar? Ngayon ko lang napansin na Salazar pala ang apelyedo ng Mommy niya.

"Do you know each other? By the way Eya s'ya ang gagawa ng dress mo." halatang kaming dalawa ni Leah ay nagulat sa sinabi?

Ay ako pala ang gagawa ng dress ni Leah?

"Talaga! Nakalimutan ko pala na Fashion designer ka Amel! gandahan mo pag sketch ng dress ko ha." ngumiti s'ya sa akin, tango lang ang binigay at kinuha ang sketch pad ko at ang lapis na gagamitin.

"Gusto ko 'yong kulay asul, tapos 'yong dress na sa taas ay Straples tapos sa waistline naman Dropped para sexy ako tapos sa likod, ano X-cross." tumango lang ako at nag sketch ng dress.

Ilang minuto bago ako matapos, "Leah sa tingin mo maganda ba 'ito nilagyan ko lang ng Ivory color sa gilid."

Tumingin siya saglit at kinuha ito, "Kyah ang ganda! Oo ito ang gusto ko Amel!" masaya niyang sigaw.

Pumunta si Leah kay Mr. Salazar at pinakita ang dress, "Kuya Ced? Maganda ba?"

Tumango si Mr. Salazar, "Yeah," at binalik agad ang atensyon sa laptop.

"Ikaw Amel ano ang susuutin mo sa birthday ko?" naka-ngiting sambit ni Leah.

"Hindi ko pa alam." tumawa siya at tinigan ulit ang dress na ginuhit ko.

"Gan'to nalang sa 'yo Amel, para parihas tayo!" ngumiti lang ako sa kaniya.

"P'wede pero Ginger 'yong style niya." ayaw ko kasi ng masyadong kita 'yong katawan ko.

Hindi naman pangit ang curba ng aking katawan kong sa tutuusin nga kahit anong kain ko ay nanatiling flat 'yong t'yan ko.

"Hindi ka parin talaga nagbabago pero segi na nga!" ngumiti siya sa akin na ikina-ngiti ko din pabalik.

"Syanga pala na m-miss ka na daw ni Mama, baka ma isipan mong bumisita kasi daw lulutuan ka niya ng special adobo na paborito mo." bigla kong na alala ang sinabi ni Mama sa akin kahapon.

"Pag tapos kana sa trabaho mo pupunta ako sa bahay n'yo para sabay na tayo." nakangiti niyang sambit at tinignan saglit si Mr. Salazar.

"Akala ko ba sa WJF ka nag t-trabaho bakit ka napunta dito?" nagtatakhang tanong ni Leah sa akin.

"Siympre nag t-trabaho ako do'n, actually 'yong design sa T-shirt lang talaga ang sadya ko pero si Mr. Salazar, ang sabi kong gumagawa ba ako ng dress kaya ayon sinabi niya na ibibigay niya daw sa pinsan niya." tumango-tango lang siya.

"Sa tingin mo Amel? G'wapo ba si Kuya Ced?" kinikilig niyang sambit kaya mahina ko siyang himapas sa braso.

Totoo naman g'wapo siya matangkad at may perpektong mukha kaso malamig kapag magsalita.

"Oo...mukhang lahat ay na g-gwapuhan sila sa perpektong mukha nito." mahina kong bulong sapat na marinig ito ni Leah.

Tumawa siya ng kay lakas-lakas tumingin bigla si Mr. Salazar sa kinaroroonan namin.

"Ako kasi hindi, alam mo bagay kayo." nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi.

Tangina? kami bagay ang lamig nga n'yan halos mag ka utal-utal na ako kapag nakikipag-usap sa kaniya tapos kami bagay? Ano kami things?

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now