KABANATA 1: Nathan POV

3.5K 70 5
                                    

Nathan's Point Of View:

Na-aawa ako kay Ate Amel alam kong na sasaktan at na guguluhan siya sa mga nang yayari dati pa ay ayaw ni Mommy kay Ate Amel dahil daw nang galing siya sa mahirap na pamilya.

Tanggap ko si Ate Amel dahil hindi siya kagaya ng mga babae na halos lumuwa na ang kani-kanilang dib-dib ang iba pa ay kong maka-lagay ng make-up dinaig pa ang Clown.

Simple lang si Ate Amel hindi ko na kikita at naglalagay siya sa mukha o nag-sosoot ng mga ma-mahaling materyal na hindi naman kailangan.

Mabait at mapag-mahal siya ga gawin niya ang lahat ma-pasaya ka lang.

Na-alala ko pa dati noong una silang mag kita palaging kino k'wento ni Kuya si Ate Amel hanggang umamin na nga na may relasyon sila.

FLASHBACK:

Palaging ako ang pinapahatid ni Kuya sa pagkain niya ayaw na ayaw niya mag pahatid sa iba.

Mapili talaga si Kuya sa mga babae, imbes na babae ang kaniyang secretarya at pinalitan niya ito ng lalaki. Hanggang ngayon ay wala parin siyang girlfriend.

Na papansin ko na ayaw niya sa anak ng kaibigan ni Mommy si Scarlet ayaw ko din sa kaniya dahil ang landi kapag ito ay nag sasalita halos pinapakita niya ang kaniyang magandang katawan pero hindi man lang nag-ka interest si Kuya.

Mag sasara na sana ang pinto ng elevator ng may kamay na pumigil dito, nagulat ako sa kaniyang mukha ni isang make-up ay wala may mapupula na labi halata na ito ay natural.

Pormal lang ang kaniyang damit at hindi mo makikita ang clavage ng kaniyang katawan.

''Matanong lang po? alam n'yo po kong sa'an ang office ni Mr. Salazar?'' nagulat ako ng siya ay tumingin sa akin at kaswal na tanong at ngumiti.

Hindi ko alam pero hindi ako makapag-salita dahil sa maganda niyang boses at sa matamis niyang mga ngiti.

''Sa 3rd floor, sumama ka na lang sa akin dahil doon din naman po ang papunta ko.'' pinilit kong hindi ma-utal at ngumiti ng na kakahiya.

''Segi salamat, alam mo ang cute mo kapag na mumula ang pisngi.'' mahina siyang natawa kasabay din ng pag hawak ko sa aking pisngi.

Sinabihan niya ba akong cute?

''Hala sorry may mali ba sa sinabi ko? bakit ka yumuko?'' yumuko lang naman talaga ako dahil sa hiya.

Actually walang mali sa sinabi niya mas lalo tuloy akong nahiya dahil nag sorry siya sa akin.

Itinaas ko ang ulo ko upang tignan siya pero nakangiti lang ito nakatingin sa akin, bakit ba palagi siyang naka-ngiti?

''Nandito na pala tayo.'' sambit niya kasabay ng pag-bukas ng elevator.

''Sumunod ka nalang sa akin.'' yumuko ako ng k'unti at nag simula ng mag lakad pero tumigil ako ng siya ay mag-salita.

''Ako na ang mag-dala n'yan, mukhang masama ang pakiramdam mo kanina ka pa nakayuko.'' tumingin ako sa kaniya at pilit ngiti pag katapos ay umiling lang ako. Nakita ko pa ang paghinga niya bago ngumiti.

"ang ganda pala dito." mangha niyang sambit habang tumitingin sa loob ng opisina ni Kuya.

Na 'ka talikod lang si Kuya na ka-upo sa kaniyang upuan na katingin siya sa glass wall, tinitignan niya naman siguro ang mga tao sa labas.

"Kuya! Pagkain mo!" sigaw ko dahilan ma palingon siya at sa katabi ko.

Tinignan ko ang katabi ko na halatang nagulat dahil sa aking sinabi siguro hindi niya pa alam na ako ang kapatid na hinahanap niya.

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now