KABANATA 5: Jealous

2.1K 62 2
                                    

Amel's Point Of View:

Akala mo ay papatayin kana sa mga mata ni Ashero wala naman akong ginagawang masama diba tumabi lang ako para ma sulo niya ang girlfriend niya.

"Ashero, nahihiya na kasi ako sa girlfriend mo kapag may date kayo nand'yan ako akala ko kasi walang tao sa harapan ko nagulat nga ako ng makita si Mr. Salazar 'yong sinabi ko sa 'yo kanina?" halatang nagulat si Ashero sa huli kong sinabi, palihim niyang tinignan si Mr. Salazar na pumindot ulit sa laptop akala mo naman ay walang nangyari.

"S-si Mr. Salazar 'yan?" gulat niya paring tanong.

"Oo nga pa ulit-ulit, alam mo pa tapusin mo muna ako sa pagkain alam mo naman na kanina pa ako nagugutom tapos umi-epal ka bigla d'yan." masama ko siyang tinignan, pero nawala ito ng sumubo ako ng pasta.

"P'wede naman kasi na doon ka sa table namin kumain diba?" p'wede nga ang kaso lang ang girlfriend mo.

"Wag na baka maka istorbo pa ako sa girlfriend mo, baka ano pa ang magawa ko sa kaniya." yumuko si Ashero at bumalik sa kaniyang mesa.

Tinignan ko si Mr. Salazar na nakatingin sa akin, kanina pa 'tong isa ah baka makalimutan kong siya ang pansamantala kong boss, syempre client ko siya.

"is that your bestfriend? Tsk dinaig pa ang boyfriend kapag nag s-selos." napatingin ako kay Mr. Salazar ng siya ang magsalita, aba pake ba bakit niya ako kinakausap akala ko ba hindi niya ako kialala?

"Oo bestfriend ko siya, pasensya na po talaga Mr. Salazar sa ginawa ni Ashero hindi ko naman inakala na gan'yan pala siya. By the way po Mr. Salazar nakalimutan ko palang itanong kong anong oras ako papasok bukas?" nahihiya akong makipag-usap pero bahala na kaya ko pa naman buhay ko 'to desesyon ko din ito.

"8-10AM pag lumagpas ka sa oras na 'yan automatic cancel ang pinag-kasunduan na'tin." nakaka takot pala itong si Mr. Salazar pero walang problema, sa companya na pinag t-trabahuan ko nga madaling araw akong pumupunta para magawa ko ng maaga ang mga dapat gawin.

"Segi Mr. Salazar, kain po muna ako." tumango lang siya at nag pindot ulit sa laptop niya.

Nagsimula akong kumain napatingin ako sa plato niya na kahit isang nakunan ay wala, kanina ko pa ito napapansin.

Steak ito pero kahit isang kagat lang ay wala, ano ba ang balak niyang gawin d'yan gusto niya bang kainin 'yan ng mga langaw?

Umiling-iling lang ako dahil imposebleng hindi niya kainin ang steak na nasa plato niya, halata na ang laman ng kaniyang tasa ay Americano Coffee.

Pinagpatuloy ko lang ang pagsubo ng pasta hanggang ako ay matapos na, iniligpit narin ni Mr. Salazar ang kaniyang laptop pero napatingin ako sa steak niya na hindi parin nababawasan.

A-alis na sana siya ng bigla kong hawakan ang kamay niya, halata na nagulat siya sa ginawa ko kaya mabilis kong binitawan ang kamay niya.

"Pasesnsya na po Mr. Salazar, tanong lang po bakit hindi nababawasan ang steak n'yo hindi mo ba ito kakainin?" napatigil siya sandali at tinignan ang steak at saka tinignan ako.

"Kong gusto mo 'yang kainin then go wala akong pake." pagkatapos ay umalis na siya ako talaga yong nasasayangan sa steak na hindi niya kinain.

Tinawag ko ang waiter para mag bayad sana pero nagulat ako ng "Ma'am bayad na po ang pagkain n'yo. " paano nangyari 'yon?

"Ha? Wala pa naman akong binigay sa'yo ah?" napakamot ako sa aking uli hindi dahil makati trip ko lang talaga.

"Si Mr. Salazar po ma'am akala ko pa nga ay girlfriend n'yo si Sir, at saka ma'am si Mr. Salazar ay may ari ng restaurant na ito." literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi ng waiter.

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now