KABANATA 7: Fashion Designer

1.9K 51 6
                                    

Amel's Point Of View:

Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda na sa pag pasok ng trabaho, papasok muna ako sa companyang aking pinagta-trabahuan.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, gumanda pala ako? Bakit naging blooming 'yong mukha ko? Siguro dahil may tama akong tulog.

Minsan ay wala na akong tulog dahil sa puyat ng trabaho, kapag maraming nagpapagawa lalaki talaga ang eyebugs ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng itim na skirt na hanggang tuhod at itim na 2 piece suit at saka dark shoes.

I tie my hair into Dutch which is my favorite.

Lumabas na ako ng silid at nakita ko si Mama na naghahanda na ng pagkain, pumunta ako sa kaniya at saka hinalikan sa pisngi. "Good morning Ma!"

Ngumiti lang siya, "Magandang umaga din anak, kain kana." tumango lang ako at umupo na sa upuan.

Madali lang akong natapos, nag sipelyo muna ako bago umalis, "Alis na po ako Ma!" sigaw ko ng nasa pinto na ako ng bahay.

"Ingat ka anak!" sigaw niya pabalik at ako'y kinawayan ngumiti lang ako bago isara ang pinto.

Mag aabang na sana ako ng Taxi when i saw Ashero car, akala ko kinalimutan niya na ako.

"ilang oras na ba akong late?" naka ngiti niyang sambit palihim akong ngumiti.

Ang g'wapo niya sa buhok niyang halatang hindi pa nasusuklayan.

"5 minutes," tumawa ako bago pumasok sa kotse.

"Kahapon nga pala, hindi ba nagalit si Mr. Salazar sa akin?" bigla niyang tanong habang siya ay nagmamaneho ng kotse.

"Wala naman, sabi pa nga niya kakausapin niya si Boss." bigla nalang huminto ang kotse, mabuti ay nakahawak ako sakaniya kong hindi bukol talaga itong ulo ko.

"Ano ba Ashero! muntik na 'yon ha!" sigaw ko tumingin lang siya sa akin.

"Totoo ba? Totoo bang 'yon ang sinabi ni Mr. Salazar?" bigla siyang naging seryoso palihim akong napangiti dahil sa mukha niya.

"Bakit sinabi ko ban'g totoo ang sinabi ko?" natatawang sambit ko na ikina sama ng tingin niya sa akin.

"Akala ko naman ay totoo!" inis niyang sigaw at nagsimulang pa andarin ang kotse..

Grabe 'yong mukha niya kanina, hindi mapakali takot 'yan sa Boss?

"Siyanga pala tungkol kahapon, bakit ka galit n'on?" takha kong tanong na ikinalingon niya sa akin.

Nakita ko ang pag-pula ng kaniyang mukha pero agad din itong nawala.

"A-akala ko kasi boyfriend mo siya." utal niyang sambit at pukos sa kaniyang pagmamaneho.

"Paano kong boyfriend ko siya ano ang gagawin mo?" sandali siyang tumingin sa akin.

"Syempre magagalit ako." sambit niya, feeling ko tuloy may kong anong bulate sa tiyan ko.

"Bakit ka magagalit bakit tatay ba kita? At nasa tamang edad narin ako." rinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Syempre bilang bestfriend mo dapat alam ko muna kong anong klaseng tao ang magiging boyfriend mo at hindi naman kita sa binabawalan sinasabihan lang kita dahil ayaw kong masaktan ka." klarong-klaro na sa akin na concern lang talaga siya sa akin walang spark.

"May tanong ako Ashero hindi 'to sa akin ha sa ka trabaho lang natin 'to, paano kong matagal na kayong mag kaibigan pero gusto may gusto ang kaibigan mo sa 'yo, ano ang magiging reaksyon mo? Pero ang problema may girlfriend ka. " kahit walang nagsabi sa akin niyan ay bigla ko nalang na itanong kay Ashero.

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now