KABANATA 19: Scarlet

1.1K 45 4
                                    

Amel's Point Of View:

Palabas na ako ng restaurant dahil pinabili ako ni  Cedrick ng makakain naming tatlo, bitbit ko ang plastick na pinaglalagyan ng ami'ng pagkain.

Pumasok ako sa loob ng companya ng biglang may bumangga sa akin, na paupo ako dahil sa malakas na pagbangga sa akin.

“What the heck!? Bulag ka ba?” malakas na boses dahilan upang mapatayo ako.

Tinignan ko kong sino ang bumangga sa akin masama ang tingin niya sa akin, nakasoot siya ng tube na kulay itim at skirt na kulay puti. Maganda ang kaniyang mukha pero makapal ang pagkalagay ng kaniyang makeup. Sa mukha niya ay para siyang isang Korean, pero hindi ko palalampasin ang ginawa niya.

“Binangga mo nga ako.” mahinang sambit ko binigyan ko siya ng natural na ngiti.

“Then?” nakataas kilay niyang sambit at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

“You need to apologize, sa ginawa mo sa akin Miss?” kailangan talagang magsorry dahil nasaktan mo ang isang tao.

Hindi ko siya kilala, isang b'wan din ang nakalipas ng mapunta ako dito baka dati siyang empleyado dito na minsan lang pumupunta sa companya.

“Do you think gagawin ko 'yun?” tumawa siya ng malakas at mapang-asar na sinagot ako.

“Yes.” tipid kong sambit at inaantay ang magiging sagot niya pero ngumisi lang ito.

“In your dreams loser...umalis ka nga sa dinadaanan ko!” bigla nalang siyang naglakad palabas at binangga pa talaga ako ulit.

“Hoy Miss! Mag sorry ka!” sigaw ko ng makita ito'ng palayo, agad ko itong tinakbuban at hinarang ang dinadaanan niya.

“What? Gusto mo ba ng pera then here!” bigla niyang kinuha ang makapal na pera sa bag niya at itinapon sa akin.

Aalis na sana siya ng malakas kong hawakan ang kaniyang kamay.

“Hindi ko kailangan ng pera mo, gusto ko lang na mag sorry ka sa ginawa mo gano'n ba kahirap ang mag sorry?” hinarap ko siya laking gulat niya pa ng makita niya ako.

“How dare you! Bitawan mo nga ako!” papupumilit niyang makawala pero mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kamay niya.

“Mag sorry ka!” pilit niyang kinukuha ang kamay ko sa kamay niya.

"The heck No!” nagtitimpi na ako sa babaeng 'to.

Binitawan ko ito at siya'y natumba kinuha ko ang sampong libo na nasa wallet ko at tinapon sa kaniya.

“Kunin mo 'yan pangbili mo ng good manners! Nahiya naman ako sa 'yo binigyan na kita ha baka kulang pa 'yan? Sa susunod na sahod ko nalang,” umalis ako sa harapan niya lahat ng tao ay nakatingin sa akin.

Hindi ko nalang ito pinansin sapagkat pumasok na ako ng elevator upang ihatid 'tong pagkain, nawalan ako ng ganang kumain.

Ano'ng silbi kong mayaman at edukada kang tao kong  wala ka palang good manners?

Pagpasok ko sa opisina ni Cedrick ay nakangiti ito'ng tumingin sa akin si Nathan ay nakatingin sa isang flat-screen TV, tinignan ko ang pinanood niya pero lumaki ang aking mata at hindi makapaniwala.

“Nakita n'yo ba ako kanina?” tanong ko pero halatang naman na nakita nila diba?

Bakit naging CCTV 'yong flat-screen TV?

“Yup! Pati 'yong pagbangga ni Scarlet sa 'yo.” sagot ni Nathan pero napatigil ako sa sinabi ni Nathan.

Scarlet? Diba siya 'yong soon Fiancé ni Cedrick na hindi gusto ni Cedrick na pilit silang ipakasal.

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now