KABANATA 22: Drunk

1K 34 0
                                    

Amel's Point of View:

Mag hapon akong may ginagawa sa bahay unang una tinilungan ko si Mama sa paglalaba ng mga damit namin pangalawa tinulungan ko siyang mag bake ng cake at mag delever sa iba't ibang unit o lugar na dito lang sa bayan.

Pangatlo gumawa ako ng panibagong design ng gown hindi porket secretarya na ako ay titigil ako sa pagiging fashion designer? Isang fashion designer din ako sa Salazar corporation kaya dalawa ang trabaho ko, minsan ay walang namimili ng mga gown ko pero okay na 'yon atleast may trabaho ako bilang isang secretarya hindi ako nalulugi.

Pero ang tanong? Babalik pa kaya ako sa Salazar Corporation kong ang Mommy ni Cedrick ay ayaw sa akin? Paano nalang kong idamay nila si Mama pag c-chismisan kami doon. At ang lahat ng empleyado doon ay walang alam sa relasyon namin. Malaking gulo ang haharapin ko kong gano'n.

Ang hirap ng buhay kapag may mahal ka noh? Ang hirap din pala ng patagong relasyon 'yong para kayong daga nag tatago at tumakbo para lang hindi mahuli.

Hiwalayan ko nalang kaya si Cedrick para hindi na lumaki ang problema, pero mahal ko si Cedrick mahal na mahal sana pala no'ng una hindi ako naging marupok kaya ito ang naging bunga ng pagsagot ko ng oo kay Cedrick.

Nakahiga ako ngayon sa kama at nakatutuk lang sa kisame iniisip ang dapat kong gawin, itama ang mga problema.

Sa pagiisip ko ay tumunog ang aking cellphone dahilan upang lumingon ako, umilaw ang aking cellphone at patuloy parin sa pagtunog.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko at parang patay na bumangon sa kama, kinuha ko ang cellphone hindi ko na binasa pa ang tumawag sapagkat wala akong balak magbasa ngayon.

“Hello?” hindi pa ito sumagot ilang minuto akong nag hintay.

"You are my Son's girl huh?” babae ang boses at ngayon ay nagmumukhaan ko na ang kaniyang boses.

“Y-Yes po.” mabilis ang tibok ng puso ko at ang nanginginig kong katawan hinihintay ang kaniyang sagot.

“i have a deal.” mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko what kind of deal?

“Anong deal po?” curiously killing me right now.

“I will give you a 5 million just break up with my Son? Deal?” ng marinig ko iyon ay nanginginig ang mga labi ko habang unting-unti pumatak ang mga luha sa aking pisngi.

“P-Pero mahal ko po siya h-hindi ko—” she cut my words.

“Stupid love! What about 10M or 20M? Huh such a gold digger!” ang masakit na salita na sinabi niya ay dumurog sa aking kaluluwa.

“H-Hindi po ako gold digger, at hindi din po pera ang gusto ko mahal ko si Cedrick iyon lang po wala ng kapalit no'n puso ko na ang nagturo.” nangingilid ang mga luha ko.

“Liar! Parehas lang kayo ng magulang mo malandi! Pinalaki kang malandi!” naikuyom ko ang kamao ka sa salita na kaniyang sinabi.

“For your information po Maam! First of all hindi po ako malandi second hindi din malandi ang magulang ko alam mo po bang wala at patay na ang Papa ko? Tapos dinadamay n'yo pa? Oo mayaman at edukado kang tao Ma'am pero sa ugali ba nasaan na ang ugali n'yo, mabuti nalang at hindi nagmana ang mga anak n'yo sayo. Sorry kong nasaktan kita Ma'am ha? Kong may puso ka pa naman hindi ko rin naman kasalanan na sagutin kita ang akin lang po ay sumusubra na po ang mga sinasabi ninyo. P'wede n'yo naman ako sabihin in good way hindi 'yong dinadamay n'yo pa ang magulang ko.” maraming luha ang pumatak sa aking pisngi walang tigil din sa pag agos ng mga luha sa aking mga mata.

“Mark my word! Hindi kayo magiging masaya ng anak ko!” she end the call kaya wala akong nagawa kung hindi ibagsak ang katawan sa kama.

Kailan pa? Kailan pa ba ako iiyak at masasaktan ng gan 'to kasalanan 'to ni Cedrick kong hindi niya sana ako niligawan at tanga naman ako sinagot kurin agad hindi ko inalam 'yon side niya tapos hahantong sa ganito?

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now