KABANATA 10: Leah's Birthdayy

1.4K 43 0
                                    

Amel's Point Of View:

Madali lang ako'ng natapos dito narin ako kumuha ng damit, dahil ito muna ang aking sosoutin pansamantala.

Lumabas ako ng banyo narinig kong bumukas din ang isang banyo kong saan naliligo si Leah, naka bihis din ito ng pormal lang.

Mamayang gabi pa gaganapin ang party kaya hindi pa siya nagbibihis at nag ayos.

"Tara Amel sabay na tayong kumain." hinawakan ni Leah ang aking kamay.

Pag-dating namin sa kusina ay  tanging si Mr. Salazar lang ang kumakain hinanap ko si Ashero pero hindi ko siya nakikita.

"Oy Kuya Ced!" sigaw ni Leah upang tumigil si Mr. Salazar sa pagsubo ng pagkain.

"Oh Eya? eat?" tipid niyang sagot na ikina irap ko ng palihim.

"Oo Kuya Ced, halikana Amel." hinila muli ako ni Leah at bigla nalang pina-upo sa tabi ni Mr. Salazar.

A-alis na sana ako ng pigilan ako ni Leah anak ng.

"Amel d'yan ka okay? si Baby Bubble kasi wala ng ma u-upuan. " bigla niyang kinuha si Bubble sa kong saan, teka kanina lang ay wala siyang hinahawakan?

"S-segi." na-utal kong sambit at tinignan si Mr. Salazar na kumakain.

"Nga pala Amel, 'yong cake ba nadala mo?" nabulunan ako sa aking kinakain, ramdam ko ang nag-abot sa akin ng tubig.

Ka agad ko itong ininom at mabilis na ng habol hininga napahawak ako sa aking dib-dib.

Ako'y magpapasalat sana sa nagbigay ng tignan ko ito.

Akala ko ba si Leah ang nagbigay ng tubig? Teka bakit nag-alalang tumingin si Mr. Salazar sa akin.

Hindi kaya siya ang nagbigay sa akin ng tubig?

"Mabuti nalang ay nabigyan ka agad ni Kuya Ced ng tubig!" malakas na sigaw ni Leah at umaarte pang siya ang nabulunan.

Pero agad ko rin naibuga ang tubig na aking ininom...tangina? Si Mr. Salazar ang nagbigay sa akin.

"Amel pati ba naman 'yong tubig ay nabulunan ka? Hala kailangan mo na ngayon ng halik! Ay hindi hangin na halik!" tumayo si Leah na ikinagulat ko.

Halik? Anong halik at hangin gagawin ko do'n?

"Kuya Ced! Tulungan mo ako!" uma-arteng umiiyak si Leah kahit walang luha ang lumabas.

"Huh?" halata na hindi alan ni Mr. Salazar ang pinagsasabi ni Leah.

"Kuya! halikan mo nalang ako sa pisngi! At ikaw Amel halikan morin ako sa pisngi sa kabila! Masakit pisngi ko!" ngayon ay mas lalo akong naguguluhan sa mga pinagsasabi ni Leah.

Akala ko ba ako 'yonv nabulunan bakit sumakit ang pisngi niya?

"Ano? Bakit hindi kayo maka-sagot? Ayaw n'yo ba? Birthday na birthday ko kahit ngayon lang!" may halong galit sa boses ni Leah kaya ako'y kinabahan.

"Okay then," malamig na sambit ni Mr. Salazar nakita ko ang maliit na ngiti ni Leah pero agad din itong nawala.

Tumayo siya sa harapan namin, "Sabay n'yo akong e kiss!" nakanguso niyang sambit.

Sabay kaning tumayo ni Mr. Salazar, kinakabahan ako pero hindi, dahil kaibigan ko si Leah.

"Pagbilang kong tatlo...isa...dalawa.. Tat--" lahat kami ay tumigil sa isang sigaw.

"Leah nakita ko na si Bubbles! Ayan oh naka upo sa upuan! Oh nakita ko na pakainin mo na ako ng cake," biglang sulpot ni Ashero, nakaturo pa ito kay bubble at tumawa ng k'unti.

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now