KABANATA 15: Chocolates and Flowers

1.1K 42 3
                                    

Amel's Point Of View:

Pagulong-gulong ako sa kama at sinasabutan ang buhok ko nakakahiya na alaala kona ang nangyari kagabi nyeta.

Dahil sa kalasingan ay nahalikan ko siya pero hindi ko naman 'yun sinasadya pero nandidiri ako sa sarili ko matapos kong halikan si Mr. Salazar ay sinukaan ko na siya.

Tapos hinatid niya pa ako sa silid namin mabuti nalang ay nakita kami ni Leah na papasok ng bahay mabuti narin na hindi niya nakita ang paghalik ko kay Mr. Salazar.

May sinabi ako kay Mr. Salazar no'n eh kaso hindi ko talaga ma alaala, tanungin ko kaya si Mr. Salazar?

Hindi p'wede matapos ko siyang halikan at sukaan? May mukhang ihaharap pa kaya ako?

“Anon'g nangyari sa'yo d'yan Amel?” tumigil ako sa pagsabunot at pagulong ng marinig ang boses na 'yun.

“Uh ikaw pala Leah, ginagawa mo dito?” sagot ko ng mapagtanto na si Leah 'yun.

“Pinapabigay ni Kuya Ced trabaho mo daw?” pumunta siya sa akin at ibinigay ang maliit na box.

Trabaho? Ito na ba 'yong gan'ti sa pagsuka ko sa kaniya?

“Ha? Akin na.” kinuha ko ang hinawakan niya'ng box wala ako'ng ka alam-alam sa loob nito.

“Amel alis muna ako bye!” sumigaw si Leah pero nakita ko nalang ang pagsarado ng pinto.

“Ano kaya ito?” nagtatakhang tanong ko sa aking sarili.

Binuksan ko na ito at nakita ko ang laman, chocolate at mga bulaklak? Eh hindi naman ako mahilig sa chocolate bukod sa cake na ginagawa ni Mama 'yun.

Pero parang mamahalin na chocolate at mga bulaklak na kayganda! Kulay pulang rosas sininghot ko ito at napangiti sa bango nito.

“May sulat?” nakita ko pa na may isang papel kaya agad ko ito'ng kinuha.

Agad ko itong binuklat upang basahin napangiti ako sa hindi malamang dahilan.

-------

To: My Wife

Flowers and chocolate for the woman I love, chocolate to be sweet to each other... Flowers so I can see the smile on your lips, I'll wait for you any month, and year just to get your sweet yes.

From: Ur future Husband

------

Chocolate daw para maging sweet kami? Tapos sa bulaklak para makita niya ang ngiti sa labi ko grabe naman makapaghugot itong si Mr. Salazar.

Hindi naman nakakakilig.

Kinuha ko nalang ay chocolate at binuksan ito kumuha ako ng isang piraso hanggang sa marami na ako'ng nakuha.

Busy ako sa pagkain ng chocolate ng ang cellphone ko ay tumunog nasa tabi lang ng kama ko.

Agad ko ito'ng kinuha tumawag ang isang unknown number, sinagot ko upang malaman ang tumawag.

“Hello sino 'to?” sagot ko sa kabilang linya ng mapagtanto na walang sumagot.

“Your future Husband.” mabilis kong naitapon ang cellphone.

Teka boses 'yun ni Mr. Salazar ah? Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone at initapat sa aking tenga.

“Mr. Salazar bakit po?” pinilit kong hindi ma-utal.

“Did you get what I sent?” sinasabi niya ba 'yong regalo na ibinigay niya sa akin? Yong chocolate at bulaklak.

“Opo ang corny nga ng pinadala mo.” mabilis kong tinakpan ang bibig ko ng mapagtanto ang sinabi ko.

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now