KABANATA 3: Her Grandma

2.4K 78 9
                                    

Amel's Point Of View:

Tinignan ko si Mama at huminga ng malalim.

''Ma, salamat po pala ha?'' sambit ko ng umupo ako sa aking higaan ganoon din si Mama.

''Salamat saan?'' nag iintay niyang tanong.

''Salamat po kasi, tinanggap n'yo parin ako...kahit na wala 'yong ama ng anak ko nand'yan kayo." yumakap ako kay Mama,  naramdaman ko ang basa sa aking likod.

"Ana--" mag sa salita na sana si Mama ng marinig ang katok sa pinto.

"Ako na Ma, kukuha narin ako ng tubig dahil iinum ako d'yan ka po muna." naka ngiti kong sambit a-angal na sana si Mama ng umalis na ako sa silid ko.

Pumunta ako sa pinto pagbukas ko ay tumambad sa akin ang hindi ka tandaang babae,  halatang ito ay mayaman dahil sa kaniyang pananamit.

Ano ang ginagawa niya rito?

"Ano po ba ang kailangan n'yo Ale?" sambit ko.

"Si Melesa Carnel nandito ba?"  sambit niya si Mama? Carnel?

"Ah, opo Anak po ako ni Melesa Carnel Ortega." naka-ngiti kong sambit pero halatang ito ay nagulat.

"P'wede ko bang maka-usap si Melesa?" ano ang kailangan niya kay Mama? pero pansin ko lang na medyo may kahawig sila ni Mama.

"Ka ano-ano n'yo po pala si Mama?" nag tatakha kong tanong napa-buntong hininga siya bago sumagot.

"Anak ko siya...at apo kita?" napa-atras ako dahil sa huli niyang sinabi, apo? Siya ba ang sinasabi ni Mama na ng dahil sa akin ay napa layas siya sa kanilang bahay.

Umiling-iling lang ako "Po? Teka lang tatawagin ko ho si Mama," nag mamadali kong sambit at tumakbo patungo sa silid ko kong na saan si Mama.

"Ma! May besita ka'yo nanay n'yo po daw!" sigaw ko ng maka rating ako sa aking silid na abutan ko si Mama na nag tutupe ng aking damit.

"Nanay? T-teka? nanay ko anak?" gulat na sambit ni Mama at tumigil sa kaniyang ginagawa.

"Opo daw tapos sabi niya apo daw niya ako, ang gulo Ma! ikaw na po makipag-usap sa Ale." sambit ko tumango lang si Mama at tumayo upang pumunta sa pinto.

Sumunod ako kay Mama kong talaga ban'g Lola ko ang Ale na kumatok.

"M-ma?" gulat na sambit ni Mama ng binuksan niya ang pintuan.

"My daughter!" sigaw ng Ale at binigyan ng mahigpit na yakap si Mama, Lola ko ba talaga 'yang Ale na mayaman?

"M-ma? Bakit po kayo nandito?" na-uutal na sambit ni Mama.

"P'wede ba muna akong pumasok? Nangangalay na ang paa ko." sambit ng Ale pinapasok ni Mama sa bahay at pina-upo sa couch.

"Ano po ang gusto n'yo Ma? Juice po ba?" pang-aalok ni Mama sa matanda pero umiling lang ang matanda.

"Wag na Melesa, gusto ko lang sabihin na patawarin mo ako, sa nagawa ko years ago hinanap kita anak ko pero hindi kita mahanap sa buong maynila. Hanggang isang araw ay nawalan na ako ng pag-asa na hanapin ka. Gusto kong siishin araw-araw ang sarili ko dahil kong bakit kita pinalayas noon, I'm really sorry my daughter." ibig ba'ng sabihin siya ang Lola ko?

Bigla nalang umiyak ang Lola niyakap ni Mama at hinaplos ang kaniyang likod.

Pati ako ay na-iiyak matagal narin gusto ni Mama na mag kita muli sila ni Lola.

"Ma...matagal ko na po kayong pinatawad, ako pa nga 'yong kasalanan kong bakit gan'to tayo ngayon."

Siguro kong hindi lang ako nabuo? Siguro mag kasama parin sila ni Lola? sana pala wala nalang ako.

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now