CHAPTER 11

2.7K 181 50
                                    

Sera's POV

"Sera naman ayaw ko na masakit na kamay ko!" reklamo ni Aruelo.

Nasa library kami at nagsusulat. Mayroong bente katao na nagsusulat dito ngayon dahil utos ko. Lahat ng librong nagawa ko ay gagawaan nila ng kopya para maipakalat sa buong kaharian. Everyday need makagawa ng 20 na kopya ng librong mga nagawa ko. May mga schedule ang mga magsusulat. Kanina ay nagpatawag ako ng 60 na maids para magsalitan sa pagsusulat bawa't araw para hindi sila mapagod. Ang mga nakopyang libro ay ipapadala sa mga nasasakupan ng kaharian.

Bente katao ang pinapasulat ko dahil ang librong nagawa ko ay marami-rami na rin. Ang mga libro na 'yon ay sa paglalaba, pagtatahi, pagluluto ng filipino dish, patungkol sa mga sakit at kung paano puksain, tamang pag-alaga sa pasyente, paggawa ng PPE suit, pag reuse ng mga patapong bagay, tamang pagtatanim, paggawa ng UV light bulb at ang huli ay paggawa ng Alcohol.

Sampo ang lahat ng librong nagawa ko. Nagsusulat ako ngayon pero hindi ako gumagawa ng kopya sa mga orihinal na librong nagawa ko. Ang sinusulat ay speech ko sa gaganaping banquet. Bukas kasi paniguradong hindi ako makakagawa nito dahil mag dedekorasyon na kami. Wala pa nga akong alam na magandang i-susuot eh. Siguro yung pulang hanbok na walang buhay nalang ang isusuot ko. Hindi ko kasi sinusuot 'yon dahil walang buhay ang hitsura. Tsaka ang alam ko kasi, kapag sa mga ganong okasyon ay nakapula dapat ang celebrant.

"Sera, ayaw ko na masakit na kamay ko!" reklamo ni Aruelo. Napabuntong hininga nalang ako at inis itong tinignan.

"Kunin mo na lang yung face mask na ginawa ko kagabi at bibisitahin natin ang hari" saad ko.

"Saan banda nakalagay 'yon" tanong nito.

"Sa ilalim ng kama. May box doon, pag bukas ng box ay bubungad agad 'yon." saad ko at lumabas naman na ito ng library. Sa box na 'yon kasi nakalagay yung damit a suot ko noong nasa mundo ko pa ako. Kung hindi ba naman ako hinabol ng mga tarantadong bungisngis edi sana hindi ako napadpad sa mundong ito. Baka maaga akong tumanda nito, nakakastress ang mga tao.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang may maalala ako. Napatayo ako ako at nagmamadaling lumabas. Ramdam ko ang mga tingin ng maids na nagsusulat ng kopya sa librong nagawa ko. Tangina baka makita ni Aruelo mga ninakaw ko! Hayup, pahamak ang bruha. Wala atang araw na hindi ako napapamura sa mundong ito.

Patakbo akong pumunta sa chamber ko, lahat ng nadadaanan ko ay tumitingin sa akin. Alam kong maganda ako pero kasusuklaman niyo ako pag nalaman niyong magnanakaw ako. Lord hindi naman na ako nagnakaw ulit, wag mo naman hayaang mahuli ako. Last na nga yan eh.

Pagkarating ko sa kwarto ay halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita kong hawak ni Aruelo ang isang gintong headwear. Nakangiti niya itong pinagmamasdan sa mga palad niya. Wala na, huli na ako! Alam niya na nagnanakaw ako sa palasyo.

"Oh, Sera nandito ka pala" saad ni Aruelo.

"A-Aaah hehe. O-oo, ang tagal mo kasi eh" saad ko.

"Nakita ko na yung headwear ko. Naipit lang pala dito sa ilalim ng foam, nakita ko kasi na may kumikinang kaya hinila ko. Siguro napadpad doon kasi malikot ako matulog kapag natutulog ako rito" mahabang saad nito at napahinga nalang ako ng maluwag.

"Tulungan mo ako buhatin ang foam Sera, titignan ko kung may nasiksik pa na gamit ko" saad nito.

"A-aahhh. W-wag na! Ako na, ipapabuhat ko sa maids mamaya" kinakabahang saad ko.

"Saglit lang naman ito bakit i-uutos mo pa. Tamad mo" saad nito at hinawakan ang dulo ng foam sa kama ko tanda na handa niya ng buhatin ito. Agad akong lumapit at tinapik ang kamay nito. Nagsisimula na akong pag-pawisan ng malamig dahil sa tingin nito.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon