CHAPTER 62

2K 124 33
                                    

Lahat kami ay naghahanda sa pag alis papuntang Crimson. Paulit-ulit akong tinatanong ni Rios kung talagang pupunta ako dahil daw napaka delikado. Sinabi ko lang sa kanya na magiging ayos lang ako.

"Tara na" saad ni Cairo. Hindi na nila binago ang mukha ko dahil wala naman daw makakakilala sa akin sa Crimson Kingdom. Ang hari na nakakita sa akin noon sa kulungan ay patay na rin kaya wala na rin akong dapat na pagtaguan. They are planning to take the crowned prince dahil sa kanya ipinasa ng Hari ang sagradong kapangyarihan ng mga xfemale.

Sumakay na kami sa karwahe habang si Atreus, Kerbie at Hush ay nakasakay lang sa sarili nilang mga kabayo. Kasama ko dito sa loob ng karwahe sila Rios, Reid, Cairo at Alfredo. Nakatitig lang sila sa papel na hawak ni Rios na plano ata nila. Yung hawak kasi ni Rios na papel ay ang blueprint ng kaharian. Yung mga araw na wala sila ay inilibot pala nila ang buong kaharian at ginawaan nila ng mapa. Kahit wala akong idea ay nakitingin na lang din ako para kunyare nakakatulong ako.

Parang kapag math time lang namin noon. Yung nagtatalo mga kaklase mong matatalino samantala ikaw ay nakatingin sa kanila na nagtatalo sa kung ano ang tgamang sagot. Naalala ko nung elem ako, nakikitingin ako non sa top 1 at top 2 namin na nag aaway sa tamang sagot. Yung pinag tatalunan nila na sagot ay kung 134 ba o 132. Tapos ng sagot ko 645. Nahiya ako kasi ang layo ng sagot ko.

Aaminin ko na nung elem ako ay puro betlog grades ko. Pero nung tumuntong ako ng high school ay natuto akong pahalagahan ang pag-aaral. Wala lang, lahat naman nagbabago. Si Kuya Seraphiel nga palakol lahat ng grado pero nagtino siya nung nag college siya.

"Vien, if you're going to hide the prince. Saan mo itatago?" tanong ni Rios sa akin na nagpabalik sa wisyo ko.

"Ah..lamok?" saad ko at napa face palm na lang silang lahat sa sagot ko.

"Ano ba kasi 'yon?" tanong ko.

"Tinatanong ni senyorito kung may hostage ka, saan mo raw itatago" saad ni Alfredo.

"Sa lugar na hindi madaling mahanap at hindi obvious na pagtataguan" saad ko na ikinadismaya nila.

"Ofcourse, Sera. Ang tinatanong namin ay kung saang parte ng kaharian. Nakatitig ka sa mapa pero yung utak mo nasa ere, palutang-lutang" komento ni Reid.

Tinignan ko ang mapa at tinignan ng maigi. Grabe ang lawak, pero teka. Bakit ba ako ang tinatanong nila?

"Hindi naman ako mang hostage ng tao, bakit ako ang tinatanong niyo?" taas kilay kong saad.

"Hindi ka na lang sana sinama ni Eroz" saad ni Reid at umirap.

"Aba ginaganyan mo ako. Tusukin ko mata mo eh!" saad ko at akmang hihilahin siya ngumit pinigilan ako ni Rios.

"Mag focus tayo" saad ni Cairo.

"Eh ang tatanga niyo ba naman. Susugod kayo sa kaharian nang walang ideya kung saan tinago ang prinsipe. Hindi ba at mas maganda kung hindi agad tayo sumugod dahil baka mahuli tayo. Mag isip muna ng plano" saad ko at umirap na nagpatahimik sa kanila. Ang tatanga ba naman kasi. Isa pa 'to si Rios akala ko naman ang talino niya.

Muli kong ibinaling ang tingin ko sa mapa at nagpapaka math genius. Sa tingin ko kasi may mali sa mapa na ginawa nila.

"Sigurado kayo na public bathroom lang 'to?" tanong ko at tinuro ang kaliwang side ng mansiyon.

"Yes, I've been there" saad ni Cairo.

"Hindi ba at masiyadong malaki yan para sa walong cubicle? Kasi sa right side ay Governance Hall. Tapos same sila ng laki sa Governance Hall pero ang public bathroom lang naman." saad ko at nagkatinginan silang lahat.

"Parang yung sa pinagdalhan mo sa akin Rios. Nung kahapon. Maysecret passage" saad ko.

"Baka nandiyan" saad ni Alfredo.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon