CHAPTER 17

2.1K 129 18
                                    

Nagdaan na ang ilang araw at halos gabi-gabi akong hindi makatulog ng maayos. I am wearing my PPE at nakahanda na kami sa pagpunta sa South para magsimulang ayusin ito. Noong una ay ayaw pumayag na sumama kami sa pagpunta sa South dahil baka raw may makakita sa aming mga babae at xfemale pero napilit ko naman sila dahil naka PPE naman kami. In short, balot na balot ang buong katawan namin at imposibleng makita kami ng mga rebelde.

Dala namin ang iilan sa mga alcohol. Yung UV Light ay may nagawa akong isa. Ang mga naiwan sa palasyo ang nagpapatuoy sa pag gawa nito. Hirap kami sa pag gawa ng UV light bulb dahil kakaunti kagamitan sa mundong ito. Need pa mangalap sa iba't ibang lugar. You know, natural resources. Mas napapadali lang ang pag gawa dahil hindi lang ang kaharian ni Rough ang gumagawa, maging ang kaharian nina Kiel at Alvin ay nagsimula na gumawa ng mga product.  

I am still confused sa feelings ko kay Rough. Hindi ko alam kung ano ang meron sa akin pero noong nag-usap kami ni Maricar noong isang gabi, sabi niya nasa in denial stage ako. Pero imposible naman dahil ang crush ko ay si Aruelo. 

"Sera sa akin ka na sumakay" saad ni Rough na ikinangiti ko. Hindi pa man ako nakakalapit  sa kanya pero biglang sumulpot si Franklin at agad na kumapit sa braso ni Rough.

"Harry pwede pasabay? Hindi kasi kami okay ni Erwin. Ayaw niya siguro akong kasama" mahinhin na saad nito ay mas pinaawa ang mukha nito. Harry ang tawag niya? Nice, mukhang close silang dalawa.

"Sera pwede ka sumabay sa akin" 

Napalingon ako kay Captain Lioung Gu na nakasakay sa kabayo. Yes! Sasakay kami ng kabayo at first time ko rin makakasakay ng kabayo. May kabayo naman sa pamilya namin sa earth pero kasi kaaway ko palagi. Tignan mo nagpapaawa kay Rough ang kabayo sa angkan namin. 

"Sa akin Sera pwede, sasabay kasi si Mariel sa karwahe" pagsingit ni Kiel. Nagugulo-han akong tumingin sa tatlong lalaki. Kita ko naman ang inis sa mukha ni Franklin pero agad itong nawala ng tignan siya ni Rough.

"Sorry bro's, but she's coming with me"

Napalingon ako kay Aruelo na nasa panlalaking anyo. Sa totoo lang hindi ko na siya nakikita na nakapambabaeng anyo. Nitong mga nakaraang araw ay palaging lumalabas ng palasyo si Aruelo tuwing gabi, siguro sa mga gabing wala siya ay nakikipag siping siya para manatili ang totoong anyo niya. Iniisip ko pa lang na madalas siyang makipagsiping ay na-awkward-an ako ng bongga. Hindi ba bumabaluktot ari niya? Jusme palaging may kasiping ata ang isang 'to. Err.

"Kay Aruelo na ako sasama" saad ko. Kahit nakasuot ng PPE si Aruelo ay suot niya pa rin ang name tag niya.

Inilahad ni Aruelo ang kamay niya para iakyat ako sa puting kabayo nito. Nang makaakyat ako ay naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa malapad na dibdib nito. Hinawakan nito ang bewang ko at inayos ang upo ko. Mas idinikit ako nito sa dibdib nito na ikinainit ng buong katawan ko. Shit! Feeling ko nakaback hug ang crush ko. Kinikilig ako pucha! Kyaaaah! Mama wag mo akong isako kapag nalaman mo kalandian ng anak mo.

Pagkarating namin sa South ay nagtataka kaming nagkatinginan ng tatlong hari kasama si Aruelo. Ang sabi ng Eunuch na nangalap ng impormasyon ay kakaunti na lang ang tao sa South. Bakit may mga sundalo dito? Anyare?

"Wow! What at co-incidence" bungad ng isang lalaking may eye patch at naka face masks ito. Gaya namin ay nakasuot ito ng PPE at ang mga sundalo lang ang hindi naka suot. Siya yung sa Banquet na lalaki. Si.....Arthur? Tama si Arthur nga.

"Ah talaga ba Arthur? Co-incidence na mapadpad sa kaharian ng iba" saad ko pero tumawa lang ito.

"Hello honey" saad nito habang nakaharap sa akin. Teka, sa akin ba o sa likod ko? Nilingon ko si Aruelo na walang imik. Hindi sa nag-a-assume ako pero feel ko si Aruelo ang tinutukoy nito.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon